CHAPTER 09

213 27 8
                                    

"ARE you a believer of love?" he asked me again

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ARE you a believer of love?" he asked me again. Parang kanina lang tungkol sa musika pa iyong pinag-uusapan namin. Bakit humantong na naman sa ganitong topic?

Am I believer of love? Maybe? He shrugged when he saw the hesitation in my eyes to answer his question. I am not comfortable when it comes to this topic, really.

"What is love for you?"

Love na naman? 'Di niya ba alam na hopeless romantic ako? Ano nga ba para sa'kin ang pag-ibig?

"Love is God, love is Family, love is Friends." matabang kung saad sa huli. Oo nga pala, my one and only friend chose to betray me. Kung ano iyong nasa isip ko tungkol sa pag-ibig, iyon iyong sinabi ko.

"Seriously?"

I arched my eyebrows at him. Is he insulting me? "Pakialam mo ba kung 'yan ang definition ko sa Love?"

"Wala, wala. Baka ngayon ganyan pa ang definition mo sa salitang iyon pero darating ang panahon at mag-iiba iyon."

"How can you be so confident and so sure of the things you're talking, huh?"

"Because I've been there. Papunta ka pa lang sa kinaroroonan mo, pabalik na 'ko."

Hindi ko alam kung may mas itataas pa ba ang kilay ko dahil sa sinabi?

"Excuse me? You don't have the right to tell me that. Kung papunta pa lang ako at pauwi ka na, then good for you! For your information Mister, hindi tayo pareho ng pinagdaaanan!"

Nababanas na rin akong makarinig ng ganiyang linyahan ngayon, e. Ano naman kung mahuli? Hindi naman karera ang buhay. Baka iyong iba nawawala sa dinadaanan nila kaya nahirapan itong bumalik, baka iyong iba hindi na alam ang tinatahak na landas, baka iyong iba napagod na at naisipan munang magpahinga. Hindi madali ang lahat pero ang importante patuloy lang ang mga ito sa paglalakbay.

"I know and I'm here to lead you to the right path." he said. "It seems that you lose something in yourself while you are on your way home."

"And what is that?"

"Love." mabilis niyang sagot that caught me off guard.

"Is that even important?"

"Of course. Love is the most important thing in the world. Love is what keeps us alive."

I looked at him. Is that so? "Tell me more about love."

He looked up at the blue sky. "Love is in the air, in the whisper of the tree.
Love is in the air, in the thunder of the sea. And I don't know if I'm just dreaming, don't know if I feel safe.
But it's something that I must believe in and it's there when you call out my name."

I slightly punched his arms when I knew that it is obviously a song. Lakas talaga ng topak ng taong 'to. He just laughed at me.

"Basta Jian, don't let the love in you fade. Mahirap pag walang pagmamahal sa puso para kang mangangapa. Mahirap maging bato." puno ng damdamin niyang pahayag.

Eve of Valentines Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon