CHAPTER 03

269 28 2
                                    

NANDITO kami sa likurang bahagi ng PA room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANDITO kami sa likurang bahagi ng PA room. Wala na kaming ibang mapuntahan kasi may nauna na sa bench sa likod ng canteen na siyang tinambayan namin n'ong nakaraan.

Finals kasi namin ngayon kung kaya't todo ang lahat sa pagsusunog ng kilay. Graduating pa naman din kami.

Itinuon ko na ang aking buong atensiyon sa librong aking kaharap-Modern Physics. Pero bago pa man ako malunod sa pagbabasa ay biglang nagsalita ang katabi kong walang iba kundi si Lea.

"Balita ko running for Summa Cum Laude si Lyle." saad niya. Binaling ko ang paningin ko sa kaniya habang siya naman ay nanatili pa rin ang mata sa libro at paminsan-minsang nagha-highlight ng important details na maaaring lumabas sa examination.

Pumutok nga ang hakang-haka na 'yon kamakailan lang at sa tingin ko'y totoo naman. To be honest, matalino talaga si Lyle. Effortless 'yong pagiging matalino niya. Kahit umabsent siguro siya ng ilang buwan ay mag-eexcell pa rin 'to. Pero 'di ko pa rin kayang humanga ng tuluyan sa kaniya.

I sighed. He's a perfect example of an intelligent person with no manners. I tsk-ed.

"What?" tanong niya ng siguro'y makita ang ekspresyon ko.

Umiling nalang ako at binalewala siya.

Mahigit isang linggo na rin pala ang nagdaan n'ong ini-lock niya ako sa room para paglinisin. At hanggang ngayon ay 'di pa rin tuluyang napapawi ang inis ko sa kaniya.

Ikaw ba naman pagligpitin ng mga kalat na 'di naman sa'yo. Buti nalang kong may na-contribute ako miski isang wrapper d'on, e, kaso wala. Tas 'di pa 'ko cleaners. Umabot tuloy ako ng dalawang oras d'on dahil sa panaka-nakang pagtigil dahil likas nga talaga akong tamad. Nakulangan tuloy ang oras ko para sa pag-aaral sana.

Hello? The last thing I know is nag-enroll ako sa unibersidad na ito para makapag-aral at hindi para maging janitor! Bwesit na Lyle 'yan!

Pero nakakatuwang isipin na pagkatapos n'on ay 'di niya na 'ko ininis pang muli. Siguro dahil midterms? O siguro nagbago na siya? I hope it is the latter pero malabo naman ata iyon.

Sa tagal naming naging magkaklase ni Lyle, since 3rd grade ay magkaklase na kami, napapansin kong tuwing may examinations lang siya tumitigil sa pang-aasar sa akin. Gusto ko nalang tuloy palaging may exam. Ang daldal niya kasi. Daig pa babae, nakakairita.

Habang nililibot ko ang aking paningin ay may nahagip akong pamilyar na bulto ng isang tao. Lyle.

Nakita ko siya sa soccer field na medyo may kalayuan sa gawi namin habang nilalaro ang bola nang mag-isa. Nakatalikod siya sa amin ngunit kitang-kita ko naman ang pangalan at jersey number nito.

Beltran. 17.

"Speaking of the devil, the devil is here."

"Huh?" taka akong tinignan ni Lea.
'Di ko namalayang naisatinig ko pala 'yon.

Eve of Valentines Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon