CHAPTER 08

197 24 0
                                    

HINDI ko alam kung ilang araw, buwan, o taon na akong tulog basta ang alam ko matagal na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI ko alam kung ilang araw, buwan, o taon na akong tulog basta ang alam ko matagal na.

Pinanuod ko ang aking sarili na nasa puting silid. Mahimbing ang pagkakatulog at may nakakabit pang tubo sa aking bibig na hindi ko alam kung ano ang tawag.

Tinignan ko si Mama na natutulog habang nakaupo at nalahawak sa kamay ko. Nakatulog marahil ito sa pagbabantay sa'kin.

Bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Indira na may dalang isang basket na puno ng prutas. Hindi ko na makita ang Indira na aking kilala. Halata ko ang pagod sa mga mata nito. Nawala na ang modelong dating ni Indira at halatang-halata ko ang pangangalumata niya, nabawasan din ito ng timbang.

Nagising si Mama ng maramdaman niya ang presensiya ng kapatid ko.

"Good morning, Mommy. Kain ka po muna. Ako muna ang magbabantay kay Jian." nagmano siya kay Mama at hinalikan ito sa kaniyang pisngi.

Umupo si Indira sa tabi ko at hinawakan ang aking kanang kamay.
Ganoon din ang ginawa ni Mama, 'di pinansin ang suhestiyon ni Indira.

"Kailan kaya magigising si Jianna? Miss ko na ang kapatid mo, anak. Alam kong nagtatampo siya sa'kin dahil noon, gusto kong humingi ng tawad sa kaniya pagkagising niya." madamdaming ani ni Mama. Halata ang lungkot sa kaniyang boses.

"I know Indira will understand and forgive you, Mommy. She is a soft-hearted person hiding in a strong woman's facade." Indira gently tap Mama's shoulders. "Oo nga po pala, may kaunting pera po akong naipon dito dahil sa photoshoot ko noong nakaraan. Buti 'di ko pa nagagastos." kinuha ni Indira ang sampung libo sa kaniyang itim na pitaka at binigay ito kay Mama.

"Nakautang din ako sa katrabaho ko ng twenty thousand. Hindi pa tayo nangangalahati sa babayarin sa hospital pero lugmok na tayo sa utang." problemadong anas ni Mama.

Indira hug her from behind. "Alam kung naririnig tayo ni Jian ngayon, Mommy. Maaawa iyon sa'tin at gigising na siya. Think positive lang tayo, okay? 'Di tayo pababayaang tatlo ng Diyos." nakangiting pang-aalo ni Indira pero kahit na ganoon ay nakikita ko pa ring namomroblema rin ito.

Lumabas ako at umalis sa kwartong iyon. Ayokong makita silang nalulungkot dahil sa'kin. I feel like I am a burden. Kung nag-ingat lang sana ako hindi sana hahantong sa ganito. Wala sanang iisipin si Mama at Indira na bayarin at masaya na sana akong nagtratrabaho sa kompanya ngayon.

Trabaho na naging bato pa.

Sana magising na ako sa lalong madaling panahon para hindi na madagdagan pa ang gastusin namin.

Pero pwede ring huwag na lang magising. . .

Hindi. Nasasabi ko lang 'to dahil sa labis na emosyon kong nararamdaman. Kailangan kong magpakatatag at lumaban. I should not put into waste their efforts kaya dapat mismong sarili ko 'di ko sukuan.

Lumabas ako ng hospital at tumungo sa paborito kung lugar rito na matatagpuan sa likurang bahagi. If I feel suffocated in the four corners of my room, dito ako pumupunta upang lumanghap ng sariwang hangin.

Eve of Valentines Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon