I do love this story, I don't know... Pero nagkakaroon ako ng good vibes kahit ilang chapters pa lang nasusulat ko dito.
Hope you enjoy like I did. :)
==========================
""NALILIGAW ata ako."
Luminga—linga pa ko. Shit. Where the hell am I? Natutok ang buong atensyon ko sa matataas na mga puno na humaharang sa mga bundok na nakikita ko kanina. Kagubatan na ata 'to eh dahil parang sobrang liblib na. 'Buti na lang talaga, alas nuwebe pa lang ng umaga.
Lumabas ako ng kotse at nagpalakad—lakad kahit hindi ako sigurado sa nilalakaran ko. Pagdating talaga sa mga directions wala akong palya, maliligaw talaga ako. Talagang palpak ako dahil nakakailang lakad pa lang ako nang mapaisip ako na baka maligaw ako ulit ako. What the heck?! Eh ganoon din naman iyon. Nakakatakot lang kaya naisipan ko din bigla na bumalik sa kotse. Baka kasi may mga bandidong lumabas dito at kidnapin ako and then... nangilabot ako sa isiping ganoon. Ayoko!
Pinaandar ko kaagad ang sasakyan ko. Paano na lang ang mga lalaking nagkakandarapa sa akin? Ayoko silang biguin. Pero napangiwi ulit ako sa isiping 'yon. Dahil nga pala sa kanila kaya heto ako sa liblib na lugar na ito.
Nakahinga ako ng maluwag nang may nakita akong malaking bahay na mukhang may pagsasalong ginagawa. Hininto ko sa tapat ang kotse ko at lumabas. Napansin ko ang isang matanda na may bitbit na mga bulaklak kaya lumapit ako para magtanong ng direksiyon.
"Naliligaw ka ba hija? Mukhang hindi ka tagadito ah. Dayo ka ba?" Marahang naglakad ang matanda papunta sa kinatatayuan ko at tumingin sa kotseng nakaparada sa tabi ko.
"Ah medyo ho. Hindi po kasi ako tagarito. Actually galing pa ho ako ng Maynila. Hindi ko na kasi alam ang daan papuntang Caba."
"Gano'n ba hija? Eh malapit na lang 'yon dito, iyon nga lang hindi ka pa makakapunta doon kung nagmamadali ka." Napakunot ako ng noo. Bakit naman?! May nangyari ba kaya hindi ako makakapunta doon? Pero dapat ko nang makuha ang kailangan ko do'n by next week.
"Bakit naman ho?"
"Sarado ang daaanan papunta doon ilang araw na hija. Nagkaland slide kasi noong nakaraang linggo. Hindi namin alam kung kailan mabubuksan ulit dahil madami ding naapektuhan."
Malas! Paano na ko nito? Saan ako magpupunta? Ganitong may pinagtataguan ako eh hindi ako puwedeng pumunta sa kung saan pa.
"Gusto mo hija eh dito ka muna magpalipas ng ilang araw? Merong pahingahan ang may—ari nito. Maganda ito kahit maliit lamang... 'yon nga lang, babayaran mo."
Natawa ko sa sinabi niya. Negosyo kaagad ang naisip pero okay lang at least makakapagtago ako ng ilang araw. At saka nakapunta na din naman ako dito dati kaya sigurado akong tahimik dito at fresh ang hangin pati ang mga tao ay mababait.
"Wala hong problema. Ako po pala si Diwata Zarasate, Diwa na lang po itawag niyo sa 'kin. Ano nga po pala ang pangalan niyo?"
"Ke—gandang pangalan naman. Tawagin mo kong Aling Ising. 'Lika hija sumunod ka sa 'kin." Magka—agapay kaming naglalakad papunta doon sa tunog na naririnig ko na parang may kasiyahan. Nakakatuwa pang tingnan ang paligid kasi puros puno at mukhang hindi uso ang mga illegal loggers dito. Solemn is evident in this place.
Nang makalapit kami sa malaking bahay tumingin—tingin ako sa mga taong nag—aayos sa garden. Napakaganda ng kanilang set up. Puti at mapusyaw na berde ang nilalagay nilang kulay ng table cloth. Nagtayo din sila ng maliit na dambana na parang recycled na kurtina ang gamit dahil iba—iba ang kulay at halatang iba din ang klase ng tela. May kasalan atang mangyayari base na din sa malaking—malaking cake sa gitna na parang pang—wedding talaga.
BINABASA MO ANG
The Vagabond Playgirl
RomanceDiwata Zarasate is a playgirl of the town. Hindi niya maiwasang hindi makilantari sa kung sinu-sinong lalaki, basta type siya at type niya din, go lang... Kumbaga, lahat puwede niyang ma-i-kama. But karma is a bitch. Binalikan siya ng lahat k...