Chapter 8

85 3 2
                                    


Chapter 8



"Diwata Zarasate?" mabilis akong napalingon sa tumawag sa akin. Iilang tao lamang ang tumatawag sa akin sa buong pangalan ko.

"Randall Morris?" balik tanong ko, I can't believe I'll see him after all these years.

Ngumisi siya nang malaki sa akin habang palapit ako sa kanya. Ginantihan ko siya ng yakap nang makalapit ako sa kanya then kissed both his cheeks. Natatawa pa ako sa higpit ng yakap niya. Oh God!

"I miss you, Diwata! And you're still stunning since the last time..." he hoarsely said, and I just rolled my eyes.

"Stop that, Randall, we already cut all our ties way back," sabi ko habang inaalis ang mga alaala na hindi maganda.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at huminga siya nang malalim saka ako giniya na umupo sa table kung saan siya nag—o—occupy. Binigyan niya ako ng white bourbon, ngumuso lang ako na naalala niya pa din ang gusto kong alak. Binitiwan ko ang kamay niyang nakahawak pa din sa akin dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.

Dahan—dahan ko siyang inoobserbahan habang nagkukwento siya ng kung anu—anong bagay. I still like the way he wear clothes. Nakasuot siya ngayon ng black polo shirt with khaki pants and tan Loafers, bagay sa maputi niyang balat. Naghuhumindig ang mga biceps at triceps niya. Siguro mas lalo siyang nagwork out ngayon kaya mas lumaki ang mga muscles ng katawan niya. Ang buhok niya ay medyo magulo ang pagkaka—ayos, parang bad boy hair.

Nahinto ako sa pag—obserba nang may tumikhim sa likod ni Randall. Oh shit! Nakita ba niya ang ginagawa ko?!

Medyo kinakabahan akong napangisi sa kanya. Parang pilit na pilit ang ngiti ko. Tumayo ako nang dahan—dahan at binalik ang tingin kay Randall. Natigil siya sa pagsasalita at napalingon sa likod niya.

"Uhmm, Randall, I want you to meet, Tres. Tres, si Randall Morris. My friend..." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

Tumaas bigla ang kilay niya sa akin kaya napakunot ako ng noo. Tres' jaw clenched as he observed what we were doing, just nothing. Siguro hindi naman niya nakita na para akong malaking hayop kung makatitig kay Randall, 'di ba? I can't help looking to some opposite gender, marunong akong maka—appreciate ng mga magagandang lalaki.

They hand shakes and I could feel my inside was in turmoil. Hindi ko alam bakit natetense ako sa bawat tingin na binibigay ni Tres kay Randall. Alam kong hindi na maganda ang tingin ni Randall kay Tres, dahil sa pag—iisa ng mga labi nito at ang mabilis na paghinga nito. May ideya na ako sa mga pumapasok na kung anu—ano kay Randall.

"Diwa, lets go." Aniya ni Tres pero nakatingin pa din siya kay Randall. Hindi sila nagpapalitan ng mga salita kundi titig ng pagbabanta.

"Diwata, can we catch up things..." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Randall kahit hindi nakatuon sa akin ang mga tingin niya. Shit! Stop talking, will you?

"Hindi ko gusto ang tabas ng salita na nanggagaling sa 'yo. Girlfriend ko si Diwa, so stay away!" banta ni Tres kaya napalapit ako sa kanya. Gusto ko ng pukpukin ng kahit anong gamit si Randall. Alam kong sinasadya niya magsalita ng ganito para mapikon si Tres.

"Randall, I think its not the right time to talk about that—"

"Of course," putol niya sa sasabihin ko. Lumingon na siya sa akin na nakangisi. Mabilis niyang hinawakan ang kanang kamay ko at may nilagay na papel sa palad ko.

Nanlaki ang mata ko kung ano 'tong pinapahawak niya sa akin. Rinig ko ang malakas na hinga ni Tres sa gilid ko. Randall winked at me then gathered his things without looking at Tres. Nagwave pa siya ng paalis na kaya napatitig lang ako sa kanya.

The Vagabond PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon