Chapter 6

77 4 1
                                    


"GOOD morning, Tita Diwa!" Napalingon ako sa masayang boses na tumawag sa akin at sinalubong pa ako ni Jaja nang mahigpit na yakap. "Saan ka po ba nagpunta? Dalawang araw po kitang hindi nakita."

"Busy ako sa pagguhit ko sa sketch pad ko. May launching kasi ako ng damit next month." Sagot ko.

Iginiya ko siya sa upuan ko para sabay kaming makakain. Mukhang ngayon pa lang siya maglulunch. Tumingin ako sa likod niya dahil baka kasama niya ang tatay niya pero wala naman. So kinalma ko muna ang malandi kong puso.

"Kailan po ang balik niyo sa Manila?" Tanong niya sabay abot ko sa kanya ng ulam.

"Baka second week na next month, magtatahi pa kasi ako ng ibang damit." Wika ko.

Nagkwento na din ako sa kanya ng mga bagay—bagay na gusto niyang malaman. Her stare is fascinated and I can't help myself but to be proud. Kakaibang kasiyahan ang naidudulot sa akin ni Jaja tuwing napagmamasdan ko siya. Pati ang papuri niya ay parang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko sa hindi ko mawaring dahilan.

"So dito ka ba nakatira sa Fontana Inn? Palagi ka kasing nandito." Umiling—iling siya kaya hinintay ko munang malunok niya ang kinakain niya.

"May bahay po kami sa likod ng Fontana Inn. Dito lang po ako kumakain para naman maiba ang ambience, lagi po kasing wala si Papa sa bahay." Sagot niya.

"Ano ba'ng pinagkakaabalahan ng papa mo?" I asked, curious kasi ako kung ano ba ang trabaho niya o kung may business ba si Tres.

Since may something na namumuo sa amin, gusto ko ding mag—imbestiga sa lalaki na 'yon. Wala rin naman kasing kinukwento na kahit ano sa akin si Tres.

Mapanuring tingin ang binigay sa akin ni Jaja. Hindi muna ako nagreact at hinintay siyang magsalita kahit natatawa na ako sa ginagawa niya.

"Do you like Papa?" Nangingiti nitong tanong sa akin.

Umiling—iling ako sa kanya.

"Naku, Tita, aminin mo na kung may gusto ka sa kanya at irereto na kita! Mas gusto po kitang maging asawa ni Papa kesa kay Tita Kaitlyn." Umarko ang kilay ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Kaitlynn? Another girl on Tres' life? Pangalan pa lang, mukha ng malandi. Wait... Bakit asawa kaagad ang gusto niya?

Siniguro kong wala siyang mababasang kahit ano sa mukha ko. Alam kong magaling magbasa ng mga kilos si Jaja kaya mas mainam na wala siyang nakikitang kahit ano.

"Si Tita Kaitlynn po ay ex ni Papa, panay po ang dalaw sa kanya kahit hiwalay na sila."

Ang guwapo talaga ng ungas eh, babae pa ang lumalapit sa kanya. Kaya siguro ayaw pumayag ng baliw na iyon sa gusto ko. Nasanay na pina—pamper ng mga babae. Tss.

"Ang guwapo pala ng Papa mo." I stated which earned a great smile on Jaja's lips. Hayop talaga ang karisma ng lalaki na 'yon.

"Siyempre naman po, 'yon nga lang, madalas iyon lang ang habol ng mga babae sa kanya. Kaguwapuhan lang at ang pera niya. Isa pa 'yong si Tita Nicki, kung anu—ano ang pinapabili kay Papa. Mabuti na lang at nakipaghiwalay din si Papa."

Mapera pala talaga ang lalaki na 'yon? And another girl again, Nicki? Tss... Siya na ang pogi. Siya na ang hinahabol. Siya na din ang mayaman! Siya na talaga lahat.

Paano pa kaya kung malaman niya kung ilan din ang naging boyfriends ko sa Manila, baka maloka ang primivite na 'yon.

"Oh well, inaanak, ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ng isang lalaking bigla na lang sumulpot sa table namin. Napataas ang kilay ko sa bigla niyang pag—entrada sa usapan namin.

The Vagabond PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon