Chapter 3

500 20 0
                                    

Hinatid ako nina Ara at Tristan sa labas ng bahay namin. 6:30 pa lang ay nakauwi na ako. Pagkababa ko pa lang sa kotse ay nakita ko na si Aling Josie na nakatingin sa akin habang umiiling.

Lumapit ako kay Aling Josie at nagmano. "Kaawaan ka ng Diyos." Ngumiti ako kay Aling Josie. "Nasaan po ang nanay?"

"Nandoon sa bahay nila Carmelita, kanina ko pa pinapauwi pero ayaw sumama sa akin." Si Aling Josie ang lagi kong naiiwan kay nanay. Hindi namin siya kamag-anak pero iyon na ang turing namin sa isa't-isa. Tulad namin ay nag-iisa na din siya sa buhay. Matandang dalaga si Aling Josie at nag-iisang anak. Ulila na siya at ang kanyang mga kamag-anak naman ay taga Bohol kaya dito na rin siya naninirahan.

"Salamat po. Ako na pong bahala." Naglakad ako papunta sa bahay nila Aling Carmelita medyo bako-bako ang daan doon kaya kailangan mag-ingat kapag dumadaan doon.

Nakita ko kaagad si nanay na umiinom ng alak at nakikipagtawanan kasama si Aling Carmelita at ang iba pang mga kapit-bahay namin. Nakita kong napatingin sa akin si Aling Carmelita at napatingin sa kanya si nanay. Siguro ay alam na ni nanay ang mga tinginan ni Aling Carmelita. Hindi ako nagkamali dahil tumingin agad si nanay sa akin. Ngumisi lang siya at pinagpatuloy na ang pag-inom ng hawak niyang isang bote ng red horse.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang bote ng alak. Inilapag ko ito sa lamesa. "Nay, tama na po. Uwi na po tayo." Magmamano sana ako kay nanay pero agad niya ring hinawi ang mga kamay ko at sumigaw. "Punyeta kang bata ka! Lumayas ka dito! Wag mo akong pinapakialamanan!"

Nakita kong galit na galit ang mga mata ni nanay na nakatingin sa akin. Masakit man para sa akin ay sinasanay ko na rin ang sarili ko dahil kami na lang ni nanay ang magkapamilya. Tulad ni Aling Josie wala din kaming kamag-anak dito. Sa Bicol kasi ang probinsya ni nanay at si tatay naman ay dito din sa maynila pero hindi namin alam kung saan sa maynila si tatay.

Lumapit ulit ako kay nanay at itinayo ko siya. Kahit na ipinagtutulakan niya ako ay pilit ko  pa rin siyang itinatayo. "Pabayaan mo na kasi dyaan ang nanay mo Shasren. Nagkakasiyahan kami dito kaya dito lang ang nanay mo!" Sigaw ni Aling Carmelita habang itinataas niya ang bote ng alak. Tumawa siya at ganoon din ang ginawa ng iba pa nilang kainuman.

Hindi ko pinansin si Aling Carmelita ay bagkus itinayo ko pa rin si nanay kahit na galit na galit siya sa akin. Mapupungay ang mga mata ni nanay at tumatagaktak na ang kanyang mga pawis. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at pinunasan siya. Hinawi niya ang kamay ko at tumawa siya ng malakas. "Umalis ka dito punyeta kang bata ka! Umalis ka!" Sigaw ni nanay. Hindi ko siya pinansin. Nakita kong papalapit na si Aling Josie at alam kong tutulungan niya ako para iuwi si nanay.

Kahit sino ay hindi pinakikinggan ng aking nanay pero minsan nakikinig siya kay Aling Josie dahil mas nakakatanda ito sa kanya. 56 anyos na si Aling Josie samantalang ang nanay ay 45 pa lamang.

Inalalayan ni Aling Josie sa kabilang braso ni nanay. Gumegewang-gewang si nanay kaya naman hinigpitan namin ang hawak sa kanyang braso. Pumipikit-pikit pa ang kanyang mga mata at naamoy ko ang alak na ininom niya. Siguro ay kanina pa siyang umaga umiinom ng alak.

"Magpahinga ka na Sharon." Sabi ni Aling Josie sa nanay ko. Tumatawa lang si nanay at wala siyang pakialam sa kung ano mang sasabihin namin. Naiuwi namin siya ng bahay kahit na ang hirap niyang akayin pero sanay naman na kami ni Aling Josie na ganito lagi ang sitwasyon.

Inihiga namin ni Aling Josie si nanay sa sofa sa salas. Pinagmumura kami nito at kasanay nito ang pagtawa niya. Ilang sandali pa ay nakatulog na ang nanay.

"Maraming salamat Aling Josie. Salamat po talaga." Sabi ko kay Aling Josie na ngayon ay nag-iinat at ngumiti sa akin. "Ano ka bang bata ka! Hindi ka nagsasawa sakin magpasalamat kahit na araw-araw naman natin itong ginagawa!" Aniya.

Love Finds Me (#Wattys2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon