Chapter 13

232 17 0
                                    

Hindi ko pa rin talaga makalimutan yung payo nung epal na 'yon. Hindi kapanipaniwala na kaya niya palang magseryoso ng ganoon usapan.

Parang ang bait niya nung gabi na 'yon? Anong meron sa epal na 'yon? Sinaniban siguro ng mabait na anghel nung oras na 'yon.

Infairness, kahit saglit nakalimutan ko yung problema ko.

"Shazrene Cassidy!" Nagulat naman ako sa pagkalakas-lakas na sigaw ni Ara. Kasabay ko kasi sila ngayon papunta sa school.

"Ano?" Sigaw ko at narinig ko naman na tumawa si Tristan.

"I am talking to you since time immemorial!" Sigaw niya kaya napatawa ako at humagikhik kaming lahat.

"Ano ba kasi 'yon?"

"Let's party!" Sigaw niyang habang naghe-head-bang pa.

"Anong party?"

"Today is Tophi's birthday and we are all invited for tonights party!" Nag-woah silang dalawa ni Tristan kaya napa-iling ako. "Hoy mahiya ka naman kung hindi ka pupunta sa party! Sina Chloe and David ay pupunta din together with Van so no worries!" Sigaw ulit niya.

"Eh may magagawa pa nga ba ko?" Tss. Alam ko namang hindi ako tatantanan ni Ara at Tristan kung hindi ako papayag kaya mas pinaaga ko na na pumayag ako.

These crazy friends. Hays.

Hinatid lang kami ni Tristan sa room namin at umalis na siya. Nakasalubong din namin si Chloe na hinatid ni David... and confirmed sasama talaga sila. Si Chloe pa ba? Hindi naman nagpapahuli 'yon sa mga party eh.

Biglang hinablot ni Chloe yung braso ko at itinaas ang manggas ko.

"Ano na naman 'to!?" Sigaw niya sa akin.

Nanlaki ang nata ni Ara at napasigaw. "O.M.G."

"Sabi sakin ni Van nakitaan ka daw niya ng pasa. Galing na naman ba sa nanay mo? " Tumango ako, alam nila lahat ng kwento sa buhay ko at ang relasyon namin ni nanay. Lagi nila akong pinagsasabihan na kumunsulta daw kami sa DSWD dahil hindi na daw tama ang ginagawa sakin ni nanay pero hindi ako pumapayag sa mga sinasabi nila.

"Kung sasabihin niyo na naman yung ipinipilit niyo na ipa-DSWD si nanay. Please. Huwag na. Ayoko." Hindi ko sila tinitingnan sa mata dahil ayokong makita ang mga awa sa kanilang mga mata.

Kahit na masakit pipilitin ko dahil mahal ko ang nanay ko. Ayoko na mapahamak siya dahil mahal ko siya bilang nanay ko.

"But it's for your sa---"

"Please Chloe and Ara. Please. Ayoko." Umiiling-iling lang sila at hindi na muling nagsalita pa dahil alam naman nila na pag ito ang usapan namin ay hindi nila ako makukunsinti o mapapapayag.

"Shazrene...." Paninimula ni Ara at tiningnan namin siya. Itinaas ko ang dalawa kong kilay at nagsalita ulit siya.

"No matter how hard your situation always  remember that Chloe and I are always here for you because we care and we...fucking love you so much." Nginitian ko silang dalawa at niyakap ng mahigpit kasanay nito ang pagngingilid ng mga luha ko na nagbabadyang tumulo.

"I am so blessed to have you both."

Dumiretso na kami sa room at buti na lang ay wala pa doon si Mr. De Guzman. Mabilis natapos ang klase dahil nag-debate lang kami about sa issue na extra-judicial-killing sa Pilipinas.

May 2 hours vacant kami kaya naman naisipan ng dalawa na mag-shopping daw kami para sa susuotin namin na party mamaya.

"Ano ba Shaz! Ako na bahala sa susuotin mo!" Sigaw ni Ara sa akin.

Love Finds Me (#Wattys2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon