Chapter 12

238 17 0
                                    

Pagkababa ko nakita kong kumakain si nanay kasabay si Aling Josie. Tumingin si Aling Josie sa akin habang si nanay naman ay diretso lang siya sa pagkain niya.

"Anak, magumagahan ka muna." Sabi ni Aling Josie. Lumapit ako sa kanya at nag-mano, noong malapit na ako kay nanay pero hinawi lang niya ang kamay ko.

"Sharon!" Suway ni Aling Josie. Naka-tingin siya kay nanay pero si nanay ay blangko lang ang expresyon niya. "Hanggang kailan mo titigasan ang puso mo?" Dagdag ni Aling Josie.

Naka-tingin lang si nanay kay Aling Josie. Ganoon pa din, blangko lamang hanggang sa tumayo siya at nagsalita.

"Sa tuwing umaga na nakikita ko ang pagmumukha ng babaeng 'yan pinapaalala lang niya sa akin kung paano nawala sakin si Caspher kaya wag mo ng ipagpilitan na lalambot ang puso ko sa punyetang bata na 'yan!" Sigaw ni nanay, kasabay nito ang namumuong luha sa mga mata ko.

"Nanay... hindi lang kayo ang nawalan... nawalan din ako ng tatay..." malumanay kong sabi, napatingin sa akin si nanay at akmang sasampalin ako buti na lang ay naka-iwas ako. Tumakbo ako ng mabilis paalis ng bahay dahil ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin niya. Ayoko na.

Mabilis kong inayos ang sarili ko at pumara ng jeep papunta sa school. Ayokong may makakita sa akin na ganito ako kawasak, ayoko masira yung araw na 'to. Alam kong kaya kong konteolin ang sarili ko, alam kong kaya kong itago lahat ng sakit nito kasi alam kong kaya ko 'tong lagpasan kahit gaano pa kasakit.

Ngayon kasi ang special number namin at medyo kinakabahan ako. Ayoko makita nila kung anong nakakubli sa akin, kailangan kong kublihan ang sakit sa puso ko upang hindi nila mahalata.

Alam kong kaya ko 'to.

Huminga ako ng malalim at sinubukan kalimutan ang mga nangyari kanina. Ngumiti ako at inayos muli ang sarili ko.

Hindi na ako nagpasundo pa kila ara dahil mamaya pa ang klase namin. 8am kailangan nasa school na ako kaya naman gayak na gayak na ako. May uniform na ibinigay sa amin si Angge, 'yong secretary ng DHO last practice kaya wala ng problema. Libre lang naman pala 'yon. Buti na lang.

Kamusta na kaya si Jana? Okay na kaya siya? Sana okay at magaling na siya. Kahit naman naiinis ako sa Kuya niya hindi pa rin maalis sa isip ko kung gaano siya nag-alala sa kapatid siya. Mapagmahal naman pala siya nakapatid.

Naalala ko na kung bakit ako nawalan ng malay kagabi at nahilo dahil hindi nga pala ako nakakain noong isang gabi, umagahan, tanghalin at yung kinagabihan. Kaya pala ako nahilo kasalanan ko din naman pala. Bakit kasi hindi ako kumain?

"Ang tanga mo talaga Shazrene!" Sabi ko sa sarili ko.

Nag-online lang ako saglit dahil may ipapaalala nga pala ako kay Chloe tungkol sa project namin sa comm arts.

Buti na lang active now ang lukaret! Matagal pa naman byahe mga 40 mins pa, dahil 6:30 pa lang naman. Ayoko na naman na ma-late dahil baka kung ano-ano na naman sabihin nung epal na Jaxon na 'yon!

Shazrene Mendes: Chloe, baka makalimutan mo yung project nating tatlo sa comm arts. Today ipapasa 'yon ilagay mo na sa bag mo ha. Sasapakin ka namin ni Ara kapag kinalimutan mo!
Shazrene Mendes: Hoy! Baka gusto mo ako i-seen!
Chloe Jynne Monteverde: Oo na oo na!
Shazrene Mendes: Hahahah pinaaalala lang. Hahahaha.

At yun nga, nilagay ko na lang sa tenga ko ang earphones ko at nakinig na lang ako sa music. Kahit saglit na oras lang gusto kong matahimik at huwag isipin ang nangyari.

Maaga akong dumating sa DHO Studio at ang tao pa lang doon ay si Tophi at Jaxon na parehas na nagkakape. Iba talaga mayayaman, laging starbucks. Ayaw ba nila ng Nescafé 3 in 1?

Love Finds Me (#Wattys2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon