Chapter 9

263 17 0
                                    

Vibrate ng vibrate ang cellphone ko pero hindi ko pinapansin dahil gumagawa ako ng assignment! I muted it para hindi istorbo. Tiningnan ko ang notif at nakita na nagwawala ang messenger ko.

Sa tingin ko mukhang kilala ko na kung sino ang makulit na 'yon!

Van Ackley: Hey
Van Ackley: Kumain ka na?
Van Ackley: Are you done with your ass?
Van Ackley: Ay! Active 12 minutes ago 😔
Shazrene: Yes and not yet. Haha. Ikaw?

Seen na at kaagad din siyang nag-type.

Van Ackley: I'm done. Tapusin mo na muna yan. Pm me if you're done okay?
Shazrene: Pano kung ayoko? Hehe
Van Ackley: Sad :(
Shazrene: Arte mo no? Oo na sige mamaya. Haha
Van Ackley: Yes!!!! 😊

Ang kulit-kulit talaga ni Van kahit kailan!

Tinapos ko ang assignment ko at bumaba ako papunta sa kusina upang mag-luto ng ulam at magsaing.

Pagkatapos kong magsaing at mag-luto ng ulam ay hinanap ko si nanay. Nasaan kaya siya?

Pumunta ako sa bahay nila Aling Carmelita pero wala ito. Wala din sa bahay nila Aling Pitok at Ate Gene. Nasaan si nanay?

Kinontact ko si Aling Josie at napag-alaman kong pumunta si nanay sa kaibigan niya sa kabilang baranggay birthday daw kaya mukhang hindi na naman dito matutulog si nanay. Uuwi na naman iyong may hang-over.

Sana okay lang si nanay. Nag-aalala na ko sa kanya baka mamaya may mangyaring masama sa kanya huwag naman sana.

Naglinis lang ako saglit sa bahay at gumayak na para sa aking nalalapit na pagpasok sa eskwela.

"You look good..."

Bigla ko na naman naalala ang sinabi sa akin ni Jaxon noong debut ni Chloe. What was that? Nagagandahan ba siya sa akin noong gabing iyon o sadyang pinagtitripan niya lang talaga ako? Knowing Jaxon, mukhang pinagttripan nga lang niya ako.

Sunday kinaumagahan after Chloe's debut ay nagsimula na din akong magtrabaho sa kanilang coffee shop at gustong-gusto ko ang pagwewelcome sa akin nga mga co-workers ko kasi pakiramdam ko ang babait nilang lahat.

Hindi naman ganoon kahirap ang trabaho pero masaya naman. Kahit na nakakapagod ay worth it dahil kitang-kita ang mga ngiti ang customers kung gaano sila nag-eenjoy sa aming shop. Pati ako ay nahahawa din, pakiramdam ko ang saya-saya na nag-eenjoy sila.

Bumusena na si Tristan at kaagad naman akong pumasok sa kanyang kotse.

"Goodmorning bessy!" Kiniss ako sa cheeks ni Ara at binati ko din siya.

"Today daw i-popost ang nakuhang new members ng DHO. Omg. For sure, nakuha tayo don!" Masayang sabi ni Ara at pumiyok pa ito. Halatang-halata na ang saya-saya niya ngayon.

"Sana nga." Mahinahon kong sabi. "Pero wag tayo masyadong umasa alam mo naman mala-hayop ang ugali nung president nila don!" Dagdag ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Ara at nagsalita. "Wag ka ngang pessimist dyan!" Siniko niya pa ako kaya naman hindi ko na lang siya pinansin.

Totoo naman eh, tuwing naaalala ko 'yong pagpapahiyang ginawa niya sa akin ay awtomatikong kumukulo ang dugo ko.

At tsaka may atraso ako sa kanya 'yong tinuhod ko daw ang balls niya. Aba! Tama lang 'yon sa kanya no! Kulang pa nga 'yon eh!

Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako kinakausap non tungkol sa case study namin kaya mamaya ay hahanapin ko ang lokong 'yon para itanong kung ano bang balak niya sa case study namin. Hindi ako papayag na hindi niya ako isali don! Gusto lang niya yatang gumanti sakin eh!

Love Finds Me (#Wattys2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon