1. Buhay

31.3K 461 4
                                    

Note: Unedited, please bear with typo and grammatical error.

--------------

Walang kagana-gana akong bumangon dahil may nambubulabog sa pintuan ng ganitong kaaga, walong Araw din akong paputol-putol ang tulog dahil libing ni ama. Ngayon na nga lang ako nakabawi ng tulog eh may distorbo naman.

Pagka bukas ko ng pintuan ay sinalubong ako ng isang baril sa gilid na siyang nagpa gising lalo sa aking diwa. May tatlong lalaki ang nakatayo sa harap ko na puro mukhang patay na ingrown.

"A-ano pong kailangan n-nila sa akin? - kinakabahang Tanong ko

"Sa iyo wala pero sa ama mo meron! -sagot ng mukhang baboy na maitim

"Namayapa na po ang aking ama, magta-tatlong Araw na po simula ng hinatid ko siya sa Huli niyang hantungan.

"Aba'y tarantado ka ah! Huwag mo nga akong pinagloloko diyan. Gusto mo bang ikalabit ko to sa iyo ha?

"Huwag po Manong tsaka po nag sasabi ako ng totoo. Halughugin niyo man ang buong Bahay Di niyo siya makikita, Kung gusto niyo samahan ko pa kayo sa sementeryo ng mapatunayan ko sa inyo na nag sasabi ako ng totoo.

"Kung Gayong wala na ang iyong ama ikaw ang magbabayad ng kanyang utang sa bossing namin!

"U-utang?

"Oo! 300,000 lang naman!

"300,000? Saan naman Niya ginamit ang pera na iyon? Bakit ang Laki?

"Para sa kaalaman mo iha, nagsimulang mangutang ang ama mo sa bossing namin magda-dalawang taon na pakonti-konti na ang kinukuha ka Niya hanggang sa naging ganun kalaki.

"Diyos ko! Saan naman ako maghahanap ng ganung kalaking Halaga? Na gastos ko na nga lahat ng ipon ko sa pampa-libing ni ama ngayon naman problema sa utang na Iniwan Niya?

"Aba'y ewan ko sa iyo! Diskarte mo na iyan. Bibigyan kita ng palugit hanggang sa katapusan ng Buwan.

"A-kinse na tayo makakaya ko kaya ang labinlimang Araw para makahanap ng ganung kalaking Halaga? Manong naman alam mo namang mahirap ang buhay ngayon. Mag-isa na lang ako ngayon kailangan ko pang buhayin ang sarili ko at may Mga babayarin pa akong Mga billing ng kuryente at tubig.

"Huwag KANG mag reklamo diyan, Nung Mga Panahon na nagungutang ang ama mo walang anu-anong pasabi ang bossing namin binigyan siya agad sa pagaakalang babayaran Niya din pagnagka luwag-Luwag na siya.

"Anong gagawin ko ngayon? Wala akong pera Manong, pwede bang mag kalimutan na lang? I consuelo niyo na lang sa namayapa kong ama.

"Hindi pwede! Utang ay utang! Kung hindi mo kayang Bayaran ang utang na iyon buhay mo ang magiging kapalit. At huwag na huwag KANG magkakamaling tumakas dahil mahahanap at mahahanap ka pa rin ng grupo ni bossing. Nagkakaintindihan ba tayo iha?

"O-Opo.

"Mabuti, Kung Gayon Aalis na kame. Huwag Mong kalimutan ang lahat ng sinabi ko sa iyo iha.

"Opo.

Nang Mawala na sila sa paningin ko ay Dali-Dali kong Isinara ang pinto. Napaupo na lang ako sa sahig habang ang Mga luha ko ay nagbabadya ng bumuhos.

"Ama naman Iniwan mo nga akong mag-isa Bakit pati utang mo Iniwan mo pa? Paano na lang ako ngayon? Saan ako kukuha ng pambayad sa ganong kalaking Halaga? Pag hindi ko magawang Bayaran tiyak susunod na ako sa Inyo diyan ni inay. -bulong kong hinagpis habang patuloy sa pag-iyak

"Kailangan kong maghanap ng maraming sideline para maka-ipon, tama! Maghahanap ako ng trabaho na pwede sa Oras ko. -Wika Niya sa isip

Naka tulugan na Niya ang pag-iisip Kung paano simulan ang paghahanap ng sideline sa Lalong Madaling Panahon. Hindi Niya lubos maisip Kung paanong nagawa ito sa kanya ng Magaling niyang ama.

------------

"Ano bang matapos mo iha? -Tanong ng babae na nagiinterview sa Mga aplicante

"Management po ma'am -saad ko

Kahit namatay ng maaga si inay at lasenggo si ama ay nakapagtapos din ako ng pag-aaral na pwede kong ipagmalaki sa lahat. Na hinding hindi nila ako maibababa dahil may completo akong edukasyon.

"Ilang taon kana?

"23 po.

"May alam kaba sa computer?

"Opo.

"Mabuti, sige hintayin mo na lang ang tawag ko sa iyo. Next! -Sabi Niya Sabay Sigaw sa sunod na applicante

Kahit saan ako mag-apply puro,

"Hintayin mo na lang ang tawag ko.

Ang hirap maghanap ng trabaho kahit na nakapag-tapos ka nang pag-aaral. Sipag at tiyaga lang iyan jade! -Sigaw ko sa isip

--------

Pagdating ko ng Bahay ay naabutan kong si aling Maria na naghihintay sa labas,

"Maganda ng hapon po aling Maria

"Oh jade nandyan kana pala, magandang hapon din naman. Naparito ako para ipaalala sa iyo ang renta ng Bahay magda-dalawang Buwan na kasi kayong hindi nagbayad Kung pwede sana kunin ko na Muna ang kalahati Kung hindi mo pa kayang Ibayad ang pang-dalawang Buwan.

"Sige po, may naitabi naman ako kahit Maliit aling Maria. Teka lang po't kukunin ko.

Nakita kong konti na lang pala ang natitira sa ipon ko, Kung babayaran ko ngayon kAy aling Maria ang kalahati tiyak hindi ako maka kakain sa Mga susunod na Araw.

"Bahala na! -Sigaw ng aking utak

"Aling Maria eto na po, pagpasensyahan niyo na po Muna Kung kalahati lang ang bayad ko. Malaki kasi ang nagastos ko sa libing ni ama.

"Ano ka ba iha! Ok lang naiintindihan ko huwag KANG magalala.

"Salamat po sa pang-unawa aling Maria.

"Walang anuman iha salamat din dito. Oh siya ako'y gagayak na magingat ka diyan jade iha lalo na't mag-isa ka na lang ngayon. Siguraduhin Mong naka lock lahat ng pintuan at bintana mo bago matulog. Mabuti ng sigurado sa Panahon ngayon nagliliparan ang Mga kampon ng kadiliman.

"Salamat po sa pag-alala aling Maria susundin ko po ang Mga sinabi niyo. Magingat din po kayo sa daan pauwi.

Run Away (Completed) 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon