CHAPTER 4

130 2 0
                                    


CHAPTER 4

Does he know?

Pinagbuksan niya ko ng pinto sa backseat. Ayoko kasing tumabi sa kanya. Patuloy akong na-amaze sa interior ng kotse. Nagpicture pa ako sa loob para makapag post nang magsimula ng magdrive si Raius. Nagpatuloy ang kwentuhan nila ng aking kapatid. They're close now and I'm afraid.

"Diretso lang bro." instruct pa ng aking kapatid

Binaba ko ang aking phone at tinignan sila. Tiim bagang kong tinignan si Raius. Why can't he just leave me alone?

Nagchat sa facebook ko si Anton kaya nanlaki ang mata ko at agad na binasa. Shit! I forgot to block him here.

Anton: Bakit bigla mo na lang akong iniwan, Quintelle?! Di ka man lang makipagkita sa akin! You even blocked my number! I want you, Quin! Kausapin mo ko.

Nagreply ako sa kanya. Nilingon ko pa muli si Raius na naka tingin rin sa akin mula sa rear mirror. Ngumiwi ako at umiwas ng tingin. Why does he always look at me like he knows everything?

Ako:

Lubayan mo na ko, Anton! Hindi na ko masaya! If I were you, i'd find someone else! Wala ka nang mapapala sa akin. Goodbye, Anton!

Agad ko siyang blinock at binalik muli ang tingin sa kalsada. Were near at mas lalo akong dinapuan ng kaba. Makikita niya ang pinagkagastusan ko ng pera niya. And yet again pumasok sa isip ko kung ano nga ba ang tingin ni Quint sa pera namin ngayon? If he doesn't believe me then what is on his mind? What is on Raius' mind?

"Baba na, Quin. Ano gusto mo pang pagbuksan ka namin?" pang aasar ni Quint sakin

I gave him a deadly glare and rolled my eyes. Ni-park niya ang kotse sa tapat since puro gamit pa namin ang garahe.

"This mansion is huge. Maganda, magkano bili niyo rito?" tanong ni Raius na kinausisa rin ng aking kapatid

"5.5 million." simple kong sagot sabay kuha ng susi upang buksan ang pinto.

Maluwag pa ang sala dahil ang mga sofa, couch at ilang boxes lang nang mga gamit ang naroon.

"We should start right? Marami din pala ang gamit niyo." suggest pa ni Raius

He eyed me while I was standing helplessly to them. I showed him a sarcastic smile and went to the kitchen counter para doon ilapag ang aking bag. Kinuha ko pa ang aking scrunchie mula sa bag upang makapag tali ng buhok. Inuna kong kuhain ang box na ilalagay ko sa aking kwarto. Iyon ay mga gamit ko.

"Ikaw na bahala sa mga kwarto, Quin. Kami na rito sa baba. Mag aakyat na lang kami ng mga gamit na para sa taas." utos ni Quintaniel

Tumango lang ako isang beses at umakyat na ng kwarto ko. Ang kwarto ko ang pinakamalaki at sakop nito ang buong second floor bukod sa lounge sa tabi ng staircase. Sa third floor naman ay may dalawang malaking kwarto rin at isang cr na malaki. Sa laki ng kwarto ko ay mas malaki pa ito sa buong floor ng dati naming bahay. Mas malaki pa nga ang walk in closet ko kesa sa mismong bahay namin dati. Ito ay pangarap ko lamang dati. Inayos ko sa mga cabinet ng closet ko ang aking mga damit. Iyon ang una kong ginawa. Marami pang space ang natira kaya tingin ko'y di ako mauubusan ng racks na paglalagyan ng mga magiging bagong damit ko sa future.

Lumabas ako ng walk in closet upang ayusin naman ang kwarto ko. Inayos ko agad ang di kagandahang kama sa aking kwarto. Pumamewang pa ako at nagvisualize ng ayos na gagawin ko rito. Inusog ko ang puting tukador na luma na at gawa lamang sa kahoy. We seriously need new furnitures to fit this house but all I can afford now is the basics. Sa laki ng bahay na ito ay paniguradong mahal ang kuryente dito. Ang monthly dues pa rito ay 500 pesos. So I seriously need a stable part time job for this. Swerte kapag mataas ang sahod.

Falling Flames (Jimenez Cousins Series #2: Arvante, Quintelle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon