CHAPTER 9Manipulative little devil
"Dapat kasi di mo ginalit si Quin!" inis na sigaw ni Audré kay Addison
"Kaya nga kausapin mo! Malalagot na naman ako kay tita Amaya kapag yung grades ko bagsak na naman." reklamo niya pa
Umirap ako at dumiretso papasok ng classroom. Nakita ko agad ang paglingon sa akin nina Addison. Nilapitan ko sila at nginitian si Audré.
"Nakaayos na yung bahay, Dree. Sleepover tayo sa bahay." excited kong aya sa kanya
Nanlaki agad ang mata niya. "Game! Kukuha lang akong damit sa bahay mamaya." tugon niya
Nilingon naman namin si Addison ng magsalita ito. "I'm sure kasama naman ako di ba? I mean were still friends right?" maarte niyang sabi
Ngumisi ako sa kanya. "Sorry, di ako nakikipagkaibigan sa plastik at ahas. Kamusta na nga pala kayo ni Phoenix?"
Nilingon ko si Phoenix na nasa malayo at kasama ang kanyang mga kaibigan. Inirapan ko ito at binalik ang aking tingin kay Addison na natahimik dahil sa sinabi ko.
"Are you happy now that you have him? After all, doon ka naman sumasaya di ba? Sa mga tira-tira ko. Just like Julius." sambit ko pa at nagtaas ng kilay sa kanya
Nilingon niya ang mga kaklase kong nalilingon na sa amin. Ngumiti ako sa kanya.
"You know what, Addie? I heard you blabbering about the project earlier. Kung ayaw mo naman pala matanggal sa grupo edi sana tumulong ka. Bawi ka na lang sa susunod." sabi ko pa at nilingon si Audré na nagpipigil ng tawa sa kasamaan ng ugali ko.
Kinurot pa kong bahagya ni Audré. Tumawa na lamang kami sa ginawa niya. Nanatiling tahimik si Addison sa gilid namin kaya tumigil kami at tinignan siya.
"Goodluck doing that without me." dagdag ko pa bago hilahin si Audré upang umupo na sa pwesto namin
Pinagtinginan naman si Addison ng aming mga kaklase. Lumapit siya kay Phoenix. He hugged her and comforted her. Bagay naman sila.
"Ang sama talaga ng ugali nito." pang aasar pa sakin ni Audré
"Napuno lang ako." sagot ko sa kanya
Nilapitan ako ni Dapne, iyong kaklase namin. "Quintelle magsorry ka kay Addison, that was too harsh." utos niya
Inangatan ko siya ng tingin. "I'd rather tell her harsh truths that a fake lie. Di ako ganon." dahilan ko
Bumuntong hininga siya. "She was reaching out to you. She's failing and as her friend, you should be helping her." wika pa niya
I licked my lips. "Daph, you know nothing about our friendship so mind your own business. She's failing because she also failed to be a true friend as well. I'm sure kaya niya namang maghanap ng iba pang kaibigan. After all, pinagmamalaki niya na famous siya di ba? If she can't handle her academics without me then sana hindi niya ko pineke. To be honest, di naman makakapasok at makakatagal dito sa UP yan kung wala kami ni Audré. If she's failing without us then iyon yung totoong siya." nilingon ko pa si Addison na nagpupunad ng luha
Umirap ako sa kanya at nilingon muli si Dapne. "Nakakaawa lang kasi." sambit niya pa
Ngumiti ako. "Pagod na kaming maawa sa kanya so dapat maawa naman siya sa sarili niya. This will help her trust me." sagot ko sa kanya
Umalis si Dapne sa harap namin habang nailing sa akin. Ngumiwi ako sa inis. Napaka pakielamera talaga noon.
"So girl, everything's turning good for you except maybe Addison but you've been gone for a while. Magkwento ka naman." usisa niya sa akin
BINABASA MO ANG
Falling Flames (Jimenez Cousins Series #2: Arvante, Quintelle)
General FictionLove is a burning temptation like fire. Hahayaan ka niyang mahulog sa kanya hanggang masunog ka sa nagbabaga niyang apoy. That's how Quin really is. She's bad alright. Really, really bad but there's just something about her. She's rotten and demure...