CHAPTER 10

104 3 0
                                    

CHAPTER 10

Selosa.

Nilingon niya muli ako matapos umalis nila Audré. Tapos na rin akong lagyan ng bandage noong nurse kaya lumabas na kami ng clinic.

"That was all part of my plan, Quint." sabi ko

Kumunot siya at pinikit ng madiin ang kanyang mata. He flinched. "Quintelle." nagpigil pa siyang magsalita pero di niya kinaya "Ano na namang plano 'yan? Biktima pa pala si Addison dito... Yung away sa bahay? Ikaw din ba may gawa noon?"

Sinimangutan ko siya. "Hindi naman ganon kasama ugali ko, Quint. Siya talaga nagsimula ng away na yun. At hindi siya biktima." sambit ko pa

Ngumisi naman siya at umiling. "At talagang aminado ka pang masama ugali mo." asar niya naman

Inirapan ko siya. "Nag aaway kami kanina kaso nakita ko si Sir Jerald na palapit sa amin at alam kong kapag nakita niyang away yun, suspension yun di lang sa kanya kung di rin sakin kaya I made it look like bullying. I triggered her to hurt me when he was looking at yun yung nakita niyo. I just got smart, that's all." explain ko

Hinilamos niya pa ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Quintelle, you're making me look dumb here for hating on someone I thought who victimize and bullies you when in reality it should be the other way around."

I pouted. "Hindi ko naman kasalanan na matalino ako at bobo siya. Besides, victim naman talaga ko kasi sinaktan niya pa rin ako, I just provoked her to. You of all people should know na ako yung tipo na hindi nagpapatalo. Hindi ako ang kinaaawaan at lalong hindi ako yung kinakawa-kawawa lang nang kung sino-sinong pocho pilato dyan." matigas kong sabi

Umiling siya at inakbayan na ko. "Whatever, Quin. Gutom na ko." sabi niya na lang

Ngumisi ako at nilingon ang handbag kong hawak niya. "Bagay sayo yan." pang aasar ko pa

Sumimangot siya at marahan akong binatukan. "Huwag kang pang asar ngayon. Gutom ako." biro niya pa

Sumunod kami kina Audré. Bumili pa muna kaming pagkain bago umupo kasama sila. Masaya kaming nagkwentuhan at nagbiruan habang nakain. Para lamang itong normal na araw namin.

"Si Raius daw maghahatid satin pauwi." bulong sakin ni Quint habang nakatingin sa kanyang phone

Magkachat sila nito. Sumimangot ako. "Since kailan pa kayo nagmemessage sa isa't isa? Tsaka ba't niya tayo hahatid pauwi, ano siya driver?" sarcastic kong bulong sa kanya

He pouted and continued to type while speaking to me. "Bakit kayo ba hindi kayo nag-uusap? Manliligaw mo siya di ba? Natural lang na ihatid ka niya, sasabay lang ako." mahina niyang wika

Umirap ako, umiling at tumingin sa kawalan habang kumakagat sa sandwich ko. "You know how I loathe his presence, Quint. Nang aasar ka ba?" nilingon ko muli siya

Nilapag niya ang kanyang phone at hinarap akong tuluyan. "I really don't get it, Quintelle? The first time I saw you with him, I saw a glimpse of attraction and concern for him in your eyes. What happened to that huh?

Ngumiwi ako sa kanya. "Hindi ba sinabi ko na sayo ang totoo? Every connection we had at first that you knew was a lie. Magaling lang akong umarte kaya napaniwala kita noon." ngumisi pa ko

He lifted his brow and leaned on his chair. "I don't know, Quintelle. You maybe a good actress but you're a bad liar. In fact, you do know I don't believe that excuse right?" wika niya pa

"Hoy, kambal! Nagaaway ba kayo?" singit naman ni Audré

Ngumiti ako sa kanila at umiling. "Naguusap lang. Tuloy niyo lang kwentuhan niyo." simple ko pang sagot sabay lingon muli sa kapatid ko

Falling Flames (Jimenez Cousins Series #2: Arvante, Quintelle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon