CHAPTER 30

48 1 0
                                    

CHAPTER 30

Play with water.

Noong makapasok kaming parehas ay kinausap niya ko.

"Quintelle, what happened?" sabi niya sabay hawak sa aking kamay

I sighed. "Its my mom, Raius. I think she's here." sagot ko sabay taklob sa aking mukha gamit ng aking mga palad. "My mom's here."

Nagsimula muling bumuhos ang aking mga luha. Humagulgol ako at nilabas lahat ng aking nararamdaman.

He leaned closer to me. "What do you mean here?" nagtataka niyang tanong. "As in here? Here? I'm confused." lalo niyang pagtataka

"She's here! I know she's around!" wala sa sarili kong sigaw sa kanya

His frown was even more evident. "Are you sure? I thought you never met her?" tanong niya pa sabay kuha sa aking mga kamay

Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. Patuloy akong umiyak habang nanghihina ang aking hawak sa kanyang likod.

"If there's one thing I knew about her is that my dad always say I look exactly like her. I can't be wrong about this. That was a Jimenez talking to me. I can't help but conclude." pumikit pa ako at humagulgol

"Shh, baby." pag-aalo niya sakin. "You're overthinking again. Calm yourself down." he sighed and carressed my head. "May sinabi sa akin si Zach but I think this isn't the right time to say it. You're too vulnerable right now." aniya

Hinarap ko agad siya. "What is it? Tell me." matigas kong sabi

Umiling siya. "Calm yourself down first, Quin." matigas niya rin na sabi

Suminghot ako at pinunasan ang aking mga luha. "Tell me, Love. Please." makaawa ko

He bit his lip and sighed. "He asked if you were adopted. So I answered no and said that your father passed away. You've been living alone since then."

"Did you tell him about Quint?" tanong ko pa

Umiling naman siya. "We didn't had the chance to talk about him. He told me about her Aunt Quilan who seems to be searching for her abandoned twins that she left years ago. She never found them, Zach found similarities. He's concluding that it might be you." explain niya pa

Natulala ako at nawala sa sarili. Hinahanap niya kami? Sabi ni Daddy sa amin ay mayaman ang aming ina. Bawal daw ang kanilang pag iibigan dahil minamaliit ng pamilya ni Mommy si Daddy. Nang mabuo kami sa sinapupunan niya ay nangako daw silang lalayo na upang mabuhay ng magkasama at sinimulan nila iyon ilang dalawang linggo bago ang due date ng panganganak ni mommy pero hindi raw tumupad sa usapan si mommy dahil natakot daw siya sa kanyang magulang kaya iniwanan niya din kami nina Daddy after niya kaming mailabas. Kwento din ni Daddy na di niya na muling nakita si mommy after nun dahil nag tungo raw ito sa ibang bansa. Doon nagdesisyon si Daddy na kalimutan na si mommy at bumalik na ng Maynila. Bukod sa nahirapan din kaming itaguyod ni daddy sa Tagaytay ng mag isa dahil sabi niya nga ay mahal ang pamumuhay doon, nais niya rin na malayo doon dahil doon daw sila nagsumpaan ni mommy.

After all these years bakit ngayon niya lang kami hinahanap? Bakit hindi niya kami nakita? Baka dahil hindi niya naman talaga kami hinanap.

Galit ako, oo. Sobra. But I can never deny this faint feeling of joy that I will finally see the mom, I was looking for ever since I was a child. Alam ko sa sarili kong gusto ko siyang makita. Matagal ko siyang inaasam na mahagkan at malaman ang bawat detalye ng kanyang mga rason sa kanyang pag iwan sa amin.

"I just want a peaceful place to think. I need to think of this properly." sabi ko matapos kong bumitaw sa kanya

Tumango siya at nagsimula ng magdrive. Di ko alam kung saan niya ko dadalhin pero hinayaan ko siya. I remained silent the whole time habang siya ay may katawagan. I was too pre-occupied to even hear him. Di pa rin ako makapaniwalang baka makikita ko na ang aking ina.

Falling Flames (Jimenez Cousins Series #2: Arvante, Quintelle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon