032 | narration

182 12 0
                                    

▬▬▬▬▬▬▬

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▬▬▬▬▬▬▬

Watanabe Haruto
perspective

ALAM MO 'yong feeling na...spring ngayon, tapos ang init pa?  Yeah, ang hot ko kasi, pero tagaktak ng pawis ang buong katawan ko dahil nandito ako sa initan habang nag-jo-jogging.

Tuwing sabado ng umaga ko 'to ginagawa habang iniisip ko kung gaano kaganda at kabait si Youngmi noona, nasabi ko na nga sa kaniya ang feelings ko thru Japanese words pero...hindi niya pa rin napapansin. She's so ignorant and dense.

Hindi ko naman masisisi si noona kasi...biglaan ko ring napagtanto at nagtapat sa kaniya na gusto ko--wrong, I mean I like her at the same time, love her, at tama nga si Wonyoung, Youngmi noona is the type of girl a guy like me would have a hard time to get her.

Speaking of Wonyoung, hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa babaeng 'yon, eh halata namang gusto niya ako sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin. Ayoko nga sa kaniya, I promised to be loyal only to my noona

Si Youngmi noona rin 'yong babae na hindi madaling mahuli ang kiliti dahil nga mukha siyang robot na minsan naiirita rin, pero minsan naman nakikita ni Yunseo hyung na masaya ang kapatid niya kapag nanonood ng iKON videos.

Puro pagpa-fangirl talaga ng iKON ang passion niya sa buhay, nagpanggap pa nga akong iKONers o iKONatics o ano ba'ng tawag sa fans ng iKON para lang mapansin niya ako, ngunit 'di pala ako nagtagumpayーnapahiya tuloy ako na akala ko magkaibang tao si Hanbin at B.I

I even bought her signed iKON posters at isang album ng iKON na hindi ko inalam 'yong pangalan ng album pero kaka-release lang 'ata noon nitong mga nakaraang buwan.

Habang nag-ja-jogging at nagmumuni-muni sa pasikot-sikot na daan ng Boseokham Village, I saw a little girl and a guy who wore brown shirt and blue shorts.

"Nawawala ka ba, baby?" tanong ng lalaki sa bata. Umupo siya kapantay ng bata at ngumisi. Alam ko na ibig sabihin ng ngisi na 'yon kaya lumapit ako sa bata at nilayo sa kaniya.

Kaya ngayon, magpapanggap na lang akong kapatid niya para mailayo ko siya sa pesteng manyak na lalaking 'to. "Excuse me, kapatid ko siya kaya pwede ba lumayo ka kung hindi tatawag ako ng pulisㅡ" pero hindi niya napagpatuloy ang sasabihin ko nang tumakbo na siya palayo kaya hindi ko na siya nasundan pa. Paano na lang kapag wala ako? Edi mapapahamak 'tong babae?

"Uulitin ko lang 'yong tanong ng manyak na 'yon, nawawala ka ba?" I asked her, trying to sound childish. Ay, bata pa pala ako, pero panghigante raw 'yong height.

"O-Opo," sagot niya.

"Sino ba huli mong nakasama simula noong nawala ka?" sinubukan ko pang kumuha ng information sa pamamagitan ng pagtatanong sa kaniya.

"'Yong kuya ko po."

"Anong pangalan niya? Baka kilala ko."

"Hanbin po," pagkarinig ko ng sagot niya ay nanlaki ang mata ko as I held her tiny hands.

"So ikaw si Hanbyul? Bakit hindi kita nakilala?!" pagkatapos ay napa-facepalm ako. Kapatid pala 'to ni Hanbin sunbaenim? *Baka, self.

(translation: stupid)

"Sino ka po ba?" tanong niya. Nakatingala siya sa akin dahil nga ang liit niya at matangkad naman ako.

"Watanabe Haruto."

"Hala! Kilala mo nga talaga ang kuya ko, kamukha mo raw siya, eh!" na-tanga ako sa sinabi ng batang 'to. Si Hanbin, kamukha ko? Saan banda? Hindi kaya kami magkamukha. Naalala ko tuloy si Yunseo hyung dahil sa pilit niyang pagkukumpara sa akin at sa idol ni Youngmi noona.

"Haruto oppa, please help me come back to my Hanbin oppa," she was about to cry but I told her everything will be alright. Chinat ko si noona tungkol kay Hanbyul at tinanong ko kung pwedeng siya ang mag-message kay Hanbin na nakita ko na ang kapatid niya. I already sent her the proof, at doon niya ako pinasalamatan dahil sa wakas ay matutuwa na rin ng bias niya.

I want to ask myself, ginagawa ko ba talaga 'to para makatulong o dahil lang talaga kay Youngmi noona para mapansin niya ako at pilit na makapasok sa ideal standards niya?

Nevertheless, I want to help Hanbyul come back to her brother, dahil alam kong hindi biro mawalan ng kapatid.

"Let's go," hinawakan ko ang kamay niya at pumunta kami sa bahay nila noona gaya ng napagkasunduan namin na ime-message niya si Hanbin para makuha niya ang kapatid niya sa address ni Youngmi noona.

curious ╱ harutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon