053 | narration

151 15 0
                                    

happy birthday--este happy 5k reads to this book!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

happy birthday--este happy 5k reads to this book!

tinopak talaga ako kanina pero nagsulat pa rin ako, ewan ko ba kung bakit. couldn't control myself.

▬▬▬▬▬

Watanabe Haruto
perspective

"HAY NAKO, sabi ko kasi sa'yo dapat kay Wonyoung ka na lang. Ayan tuloy hindi mo pa nakita si Youngmi nang halos isang taon." tinaasan ko ng kilay si Keita at inirapan ko siya. Kailangan pa talagang ipamukha?  At ano naman ngayon kung hindi ko na nakita si noona? Isang taon na pala siyang hindi nagpaparamdam sa akin, at sa isang taon na 'yon, naging boring ang buhay ko. Kahit kailan hindi ako tumingin sa kahit sinumang babae diyan.

Lumapit ako sa upuan malapit sa piano na may tatak na Steinway & Sons at pinindot ang low keys ng Happy Birthday. Tutal birthday ko pa naman din.

Isang normal na birthday na ako lang at ang mga kaibigan ko ang nag-se-celebrate, namimiss ko tuloy ang pamilya ko. We used to celebrate my birthday with them. Kamusta na kaya sila?

"Seongeullaseu mokgeori geumippal
ice clean!" 

"Ano ba 'yan mga deputa! Simbahan 'to hindi videoke machine! Konting respeto naman, oh!" sigaw ni Jihoon.

"Haruto, alam mo bang magko-concert ang iKON sa Tokyo? As in sa Japan, sakto nandoon pa 'yong mahal mo." sabi ni Yedam, tumango na lang ako pero napatigil ako nang mabanggit na naman niya si noona. Oo nga pala, nandoon sila sa Tokyo, lahat ng pamilya niya. Si Yunseo hyung na nagsabi sa akin, sabi nila doon muna sila titira pansamantala habang ginagamot ang glaucoma ni noona.

Sinabi na sa akin ni Yunseo hyung ang tungkol sa sakit ni noona. Mabuti naman may balak pa silang sabihin sa akin 'yon dahil halos maburyong na ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang sakit ni noona. Iyon pala 'yon. Isang taon na akong naghihintay kay noona, isang taon akong umaasa na babalik siya dito sa Seoul.

"Masakit pa rin ano? Hindi ka pa rin makamove-on kay Youngmi," ani Junkyu.

"Nakakaiyak ang love story niyo ni Youngmi, may pagka-tragedy," umastang iiyak na si Doyoung.

Hindi naman tragedy 'yon, sadyang may mga tao lang talagang umaalis dahil may dahilan sila.

Everything happens for a reason.

"Pansin ko, parang nag-matured na si Haruto, parang dati nagpapakabaliw pang kay Youngmi! Jusko at bet ko mga galawan niyan!" inakbayan ako ni Keita at tinapik ang balikat ko.

'Totoo ba talagang nag-matured na ako?'

"Hindi naman ako nag-matured," sabi ko. Nagsisinungaling lang yata 'to si Keita, eh.

"Weh? Watanabe, sa sobrang lalim ng boses mo at sa tangkad mo 'yan, matured ka na. Puberty loves you, dude!"  wika ni Junkyu at nag-wink pa.

"At dahil may concert ang iKON sa Tokyo, chance na 'yon ng mahal mong die-hard iKONIC." dagdag pa ni Yedam.

Makakapunta kaya si Youngmi noona? Sana naman hindi pa siya mabulag...Sana makakakita pa siya, dahil kapag nangyari 'yon, hindi na niya ako makikita o kahit ang idol niya na nagngangalang iKON at masakit 'yon sa akin. Para akong dadaganan ng barbell, kasi para lang akong naghintay sa wala.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok at binuksan ang cellphone ko. Chinat ko si Yunseo hyung.

Gusto ko makakuha ng information sa kalagayan ni noona. Balisang-balisa na ako, I miss her so bad.

curious ╱ harutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon