055

145 11 0
                                    

Incoming call...

Youngmi

📲 accept
decline

*legend:
regular - haruto
bold - youngmi
italic - haruto's thoughts

▬▬▬▬▬▬▬

"Noona!"

"Haruto."

"Kumusta ka na? Nakakakita ka pa ba? Anong mga sinasabi ng doctor?"

"Okay lang ako, nakakakita pa naman ako, at sabi niya hindi pa naman malala ang sakit ko."

"Alam mo bang miss na miss na miss na miss na miss na kita? Isang taon na tayong hindi nag-uusap"

"Sorry kung sa tingin ko, napakababaw kong tao kaya ako naghahabol sa'yo noon. Hindi naman talaga visuals yung habol ko sa'yo...Alam mo bang noong nawala ka halos mabaliw na ako dahil hindi kita ma-contact, at kayo nila Yunseo hyung? Ang boring ng buhay ko kapag hindi kita nakakachat sa isang araw. Sobrang boring ng isang taon mong paglisan. Sounds cheesy right, but those feelings I kept for almost one year and a half will be the same. I love you, noona."

"A-ano...kumusta ka naman?"

'Wala ba namang I love you too diyan? Iniiwasan mo pa rin talaga ako'

"Okay lang ako. Third place nga ako sa rap making sa school tapos top 3 ako sa buong semester sa classroom."

"Wow! Ang galing. Congrats!"

'My heart, it's beating too fast.'

"Salamat."

"Oo nga pala, concert ng iKON sa 27 dito, gusto ko pumunta kaso nga lang wala akong pera. Lagi na lang akong team bahay."

"Hindi ko sure kung makakaya ko pero, baka ako sumagot ng ticket at pupunta ako diyan sa Japan."

"Talaga? Salamat, Haruto!"

"Hindi ko mapapangako, noona. Masyado kasing mahal ang ticket, ang minessage sa akin ni Yunseo hyung, gusto mo raw ng vip standing."

"Okay lang naman sa akin kahit upper box o kahit gen ad na lang basta makita ko lang sila. Hindi ko pa kasi sila nakikita nang personal."

"Ako ba, gusto mong makita?"

"Hmmm?"

"Alam ko namang hindi kasi ayaw mo nga akong makita noon hanggang ngayon."

"H-hindi naman sa ganoon."

"It's fine. Okay lang 'yon, I'm glad that I finally heard your voice."

'Sobrang na-miss talaga kita."

"Uhm, Haruto?"

"Yes?"

"I'm sorry."

"Why are you saying sorry? You didn't do anything wrong."

"Kasi ano...dahil halos ipagtulakan kita noon, hindi ko alam na totoo palang mahal mo ako."

"Tanggap ko naman. Mas mabuti nang magmahal kahit one sided."

"One sided, huh?"

"Oo nga pala, papatayin ko na 'to. Parang lumalabo na naman mata ko. Sige, babye."

call ended,
duration:  2:10

curious ╱ harutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon