040 | narration

193 12 0
                                    

▬▬▬▬▬▬

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▬▬▬▬▬▬

third person
perspective

MADALING ARAW nang makarating si Wonyoung sa tapat ng Boseokham Academy, mga alas-singko ng umaga siya nakarating sa prestiyesong paaralan na karaniwang nag-aaral ang mga trainees at mga idols sa Sokor.

Gaya ng napagkasunduan nila ni Haruto, sa tapat ng gate sila maghihintay para ituro sa kaniya ang room nila dahil hindi naman ito pumunta noong tinginan ng section.

Nakasuot siya ng uniform ng Boseokham Academy uniform na para sa babae ay blouse na kulay gold ang kwelyo, long sleeve at may pocket sila sa kaliwang bahagi nila na may tatak ng school nila, may maliit na de-taling ribbon sila na silver naman ang kulay samantalang ang mga palda nila ay above-the-knee at kulay gold din ang kulay.

Sa mga lalaki naman, pocket lang sa kaliwang bahagi ng polo nila at kulay gold din ang pantalon nila.

Hinihintay pa rin ni Wonyoung ang crush niyang si Haruto at nakarating na nga ito ng mga mag-a-alas sais ng umaga. Napasimangot tuloy siya, akala niya mga 5:30 siya makakarating pero bigo pala siya.

"Bakit ngayon ka lang?" nakahalukipkip na tanong ni Wonyoung kay Haruto.

"Tinanghali ako ng gising, eh," Haruto retorted, avoiding his gaze.

"Anong oras ka bang matulog?"

"Wala ka na doon,"

"Nagtatanong lang naman ako." Wonyoung was still calm but deep inside she was about to kill Haruto in her head. Pasalamat lang siya crush siya nito.

"Turo mo na sa akin 'yong room natin," Haruto said then walked past her.

"Wala na tayong time, six o' clock na ng umaga," Wonyoung said.

Pumunta na sila sa Quadrangle ng school habang nag-aayos na ang mga teachers at admins sa stage na siyang magiging lugar sa mga magiging speaker. Maraming mga estudyante ang umupo na by section.

"Anong section natin?" tanong ni Haruto.

"Section A tayo."

"Pang-una?" nanlaki ang mata ni Haruto at hindi niya mapigilang ibuka ang bibig niya. Kung pwede lang sana siyang picture-an dahil sa meme expression niya.

"Bakit ba parang gulat na gulat ka?" natatawang tanong ni Wonyoung. Na-realize niyang kahit wala ang ate niya kay Haruto, nakikipag-usap pa rin naman ito kahit na naiinis minsan si Haruto sa kaniya.

"Wala lang, nabigla lang ako." bumalik ulit sa pagiging blangko ang expression ni Haruto.

Ngayon din nalaman ni Haruto na nag-aaral sa Boseokham Academy ang iba pang idols at trainees na kilala niya kabilang si Yedam, Yunseo, Jaehyuk, Doyoung, Keita, Mashiho at Asahi.

Tinawag nilang dalawa si Yunseo na lumingon naman agad pati sila Yedam.

"Naks, pogi natin ngayon, Watanabe, ah!" pumunta si Yunseo sa tabi ni Haruto at inakbayan siya habang pinupuri.

"Aba siyempre naman, Yunseo hyung! Ako pa, visual kaya 'to ng Japan," sabi ni Haruto habang tumatango-tango. Gwapong-gwapo talaga sa sarili.

"At kasama mo pala kapatid ko? Yieeee," tinukso ni Yunseo ang kapatid niyang si Wonyoung na umirap lang.

'Kahit kailan talaga 'tong si kuya Yunseo. Ine-expose talaga ako kay Haruto, eh' sabi ni Wonyoung sa isip niya.

"Welcome to hell! Joke lang, wini-welcome lang talaga kita." tinapik ni Keita si Haruto sa balikat nang pabiro. Medyo matagal na rin mula noong huli silang nag-usap.

"Hell nga, pareng Keita," tapos bumulong siya kay Keita na ikinatawa naman niya. Ang ibinulong lang nito ay kasama niya si Wonyoung ngayon na medyo hindi niya gusto ang awra. Malaman lang talaga ng ate ni Wonyoung ang tingin niya at siguradong lagot siya.

"Jaehyuk hyung, sasama ako sa'yo sa bilihan ng computer parts, bibilhan ko lang si Jihoon ng keyboard yung hayuf na 'yon. Naiirita na talaga ako tuwing nagcha-chat sa akin na wala talagang space. Sakit kaya sa mata," narinig nilang sabi ni Doyoung. Sinitsitan siya ni Mashiho at Yedam kasi mas matanda pa rin si Jihoon sa kaniya pero ganoon siya makipag-usap. Mag-bestfriend kasi si Jihoon at Doyoung, gaya nila Haruto at Keita.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang flag ceremony at bumalik na sila Yedam sa dati nilang pwesto nila malayo kila Wonyoung at Haruto.

▬▬▬▬▬▬▬

HALF-DAY lang sila ngayon dahil sa event na magaganap sa mga associations ng nasabing school. Nasakto pa sa mismong first day nila kaya tuwang-tuwa ang mga estudyante na umuwi ng tanghali.

Sa kasamaang palad, habang naglalakad sila Haruto at Wonyoung pauwi, nakatanggap ng message si Wonyoung mula sa kuya niyang si Yunseo.

From: Kuya Yunseo gwapo

"Wonyoung, bilisan mo, nasa ospital si Ate Youngmi. Pumunta ka na lang dito sa Boseokham hospital"

3 minutes ago.

Nanlaki ang mata ni Wonyoung at muntik na niyang mabitawan ang cellphone niya. Hindi niya inaasahan ito kaya nataranta siya at parang gusto na niyang umiyak. Napansin naman agad siya ni Haruto.

"Wonyoung, anong problema?" tanong ni Haruto.

"Si Ate Youngmi...nasa hospital."

'Shit'  Haruto cursed inside his head. Mahal niya ang nasa ospital kaya naman nag-panic din siya at natulala. Ano kayang nangyari kay Youngmi at nasa ospital siya? Iyon ang nasa isip nila pareho. They didn't expect this to happen. Nagising na lang ang diwa nila nang may tumigil sa tapat nila na kotse.

Kotse pala nila Wonyoung 'yon at si Yunseo ang driver.

"Yunseo hyung, ikaw talaga mag-da-drive? Paano kung mahuli ka diyan at wala kang lisensya?" tanong ni Haruto pero agad naman siyang sinigawan ni Yunseo..

"Wala akong pake, Watanabe! Sumukay na lang kayo ni Wonyoung!" Yunseo shouted. He was anxious either by his sister's condition.

Sumakay na ang dalawa sa kotse.

"Anong nangyari kay A-Ate?" halatang naiiyak na tanong ni Wonyoung. Ganoon din ang tinanong ni Haruto.

"Hindi ko rin alam...nalaman ko lang din kay Mommy."

Balisa na talaga silang tatlo dahil pareho silang walang clue kung anong nangyari kay Youngmi.

▬▬▬▬▬▬▬

curious ╱ harutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon