041 | narration

159 12 1
                                    

here's the flashback to lessen your anxiety

▬▬▬▬▬▬

Jang Youngmi
perspective

'Kumusta na kaya ang klase nila Wonyoung kasama si Haruto?'

Nandito lang ako sa taas, sa kwarto ko habang nanonood ng iKON music videos at nag-pa-fangirl kung gaano sila kagwapo at talented.

Punong-puno din ng iKON poster ang kwarto ko at hindi ko pa rin talaga limot ang iKON merch na pinapabili ko kay Haruto na hanggang ngayon ay hindi pa rin binibigay sa akin.

Si Haruto nga pala, kung ano na namang pinag-cha-chat ng lalaking 'yon sa akin. Hindi nga ako kinikilig sa mga banat niya, eh. Naiinis lang ako dahil sa pagiging mababaw niya pagdating sa pag-ibig. Akala niya kasi makukuha niya ako nang mas madali pa sa inaakala niya, pwes, diyan siya nagkakamali.

Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya pero, parang kapatid na rin talaga 'yong turing ko sa kaniya, at 'yong time na sinasabi niyang mahal niya ako ay hindi talaga love, mababaw lang talaga siyang tao pagdating sa pagmamahal. Masyado pa kasi siyang bata sa ganoon.

May kumatok sa pintuan ko kaya binuksan ko. Si Mommy lang pala,

"Youngmi, kain na." tumango lang ako at bumaba na papuntang kusina.

Nagmadali akong bumaba ng hagdan nang matisod ako sa isang bilang lang at nadapa pababa ng hagdan. Naramdaman kong kumirot ang mata ko dahil doon. Pinikit ko ang mata ko at pagdilat ko ay nag-blur na ang paningin ko. Parang may tumusok na kutsilyo sa dibdib ko dahil halos wala na akong makita.

"Youngmi?" tanong ni Mommy sa akin. Medyo nakikita ko pa siya nang kaunti pero blurred talaga.

"Mommy, wala akong makita..." bulong ko. Winagayway niya ang kamay niya sa harap ko at tinanong kung ilan ang nakataas sa daliri niya pero hindi ko makuha ang tamang sagot. Bigla na lang tumulo ang luha ko.

Tinakbo niya ako sa ospital at doon ko narinig ang mga boses nila Haruto kasama si Wonyoung at Yunseo. Hindi ako makalingon nang maayos sa kanila dahil nga hindi ko rin naman sila makikita.

"Anong nangyari?" tanong nilang tatlo.

Nginitian ko sila. "Huwag kayong mag-alala, lumabo lang mata ko."

curious ╱ harutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon