30

830 33 26
                                    

Claire

Sa wakas ay nakarating na kami sa basketball court. Di ko maiwasan mamangha dahil sa sobrang lawak ng court at tanging kami lang ang nandito. Di kaya pinareserve nila to? Mukhang ang yayaman rin ng mga to eh.

Sabay-sabay nilang nilapag mga gamit nila sa upuan sa gilid. Pagtapos ay naglabas na ng bola si Jisung at mabilis na tumakbo papunta sa gitna. Mabuti nalang kabisado ko na silang lahat.

Agad sumunod yung iba at ako umupo n dun sa upuan upang bantayan yung mga gamit nila. Nagulat naman ako ng lapitan ako ni Chan.

"Support mo ako ah?"

Sabi nya at ngumisi. Napabuntong hininga ako at inerapan sya.

"Si Jeongin susuportahan ko."

Sabi ko at tinawanan nya nalang ako. Pagtapos ay pumunta na sya sa gitna para sumali na sa kanila. Maya-maya ay nagsimula na silang mag-laro.

Di ko naman maiwasan pagmasdan si Jeongin. Ang cute nyang tignan para syang batang naglalaro. Tsaka kapag ngumingiti sya ay nawawala yung mga mata nya hahaha.

Na kay Jeongin na yung bola at drinidribol nya naman iyon habang hinaharangan sya ni Felix. Tatakbo na sana sya pero biglang dumating si Chan at mabilis nyang naagaw kay Jeongin yung bola. Tumakbo si Chan papunta sa ring habang drinidribol yung bola. At ng maishoot nya yun ay napasigaw naman yung mga kaibigan nya.

"WHOO! BANGCHAN FOR THE WIN!"

Napabuntong hininga nalang ako. Edi sya na magaling magbasketball. Napatingin ako kay Jeongin na napakamot nalang sa kanyang ulo. Gusto ko syang lapitan at sabihin na 'ok lang yan'. Hays, si Chan kasi eh!

Naglaro pa sila ng naglaro. Napapatawa naman ako sa tuwing nag-aagawan sila sa bola na halos matumba at magpatong-patong na sila sa sahig. Ang cute talaga nila.

Pero bigla nalang napunta tong atensyon ko kay Chan. Sobrang gulo na ng buhok nya pero bakit ang gwapo nya pa rin tignan?? Tinanggal nya yung butones ng polo nya sa ibabaw kaya kitang-kita na yung kalahati ng dibdib nya. Di ko alam bakit bumilis tong tibok ng puso ko. Bakit...bakit ang sexy nya?!

Bigla nalang sya napatingin sa direksyon ko at agad naman ako umiwas ng tingin. Sa mga oras na yun ay naramdaman ko ang pag-init nitong buong mukha ko. P-pota...

Ng matapos silang mag-laro ay dumiretso na silang lahat dito at naupo para makapagpahinga. Grabe, pawis na pawis na silang lahat.

Naupo naman sa tabi ko si Jeongin habang pinupusan ang kanyang noo. Kinuha ko agad sa bag ko yung tubig ko at inabot iyon sa kanya.

"Oh. Baka nauuhaw ka."

Sabi ko. Napatingin sya dun sa tubig at sa akin. Ngumiti naman sya at ginulo-gulo tong buhok ko.

"Ok lang ako. Salamat."

Sabi nya at pinipigilan ko lang wag ngumiti ng dahil dun sa ginawa nya. Itatago ko na sana ulit yung tubig ko ng biglang kinuha iyon ni Chan mula sa kamay ko.

"Ako nalang iinom."

Nakangiti nyang sabi at magsasalita na sana ako pero ininom nya na yung tubig. Napahinga nalang ako ng malalim. Di ko alam bakit bigla kong naalala yung tsura nya kanina. Pota.

DIARY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon