68

802 33 34
                                    

Claire

Kagaya ng sabi ni Chan ay magkita daw kami sa isang coffee shop. Habang hinihintay ko sya ay nag-order muna ako ng iced caramel macchiato.

Halos paubos ko na tong inumin na binili ko at hanggang ngayon di pa rin sumusulpot yung lalaking yun. Napatingin ako sa relos na suot ko at nakitang malapit ng mag 12 pm. Tsk. Kung pinagtritripan nya lang ako malalagot sya sa akin!

Napabuntong hininga ako at naisipan kong imessage sya.

• • •

bangchan
[ active 10 minutes ago ]

11:55 am

claire
hoy kupal ka nasan ka na ba?

claire
kanina pa ako nandito sa coffee shop

claire
mauubos ko na tong caramel macchiato na binili ko tapos wala ka pa rin.

claire
pag ako pinagtritripan mo lang, bahala ka dyan sa buhay mo di na kita kakausapin!
sent

• • •

Inubos ko na yung inumin ko. Kung di talaga sya sumulpot malalagot talaga sya sa akin makita nya. Ng maubos ko na tong inumin ay narinig kong tumunog tong cellphone ko. Pagtingin ko ay nakita kong nagreply na si Chan. Kaagad ko iyon binasa

• • •

bangchan
hoy hindi kita pinagtritripan ah!

claire
tsk. nasan ka na ba ha??

claire
bakit ba ang tagal mo??

bangchan
andito na ako sa labas
seen ✓

• • •

Napakunot naman tong noo ko ng mabasa ko yung message nya. Dahan-dahan ako humarap sa may bintana at nakita na si Chan dun. Ngumiti sya sa akin at kumaway pa ang deputa. Napahinga naman ako ng malalim at lumabas na sa coffee shop. So kanina pa pala sya nasa labas ha?!

"Hi Clair– ARAY!"

Agad ko kinurot yung tenga nya.

"Ikaw ha. Bakit mo ba ako pinaghintay dito ng matagal? At tsaka, kanina ka pa ba nandito sa labas?!"

"T-teka lang kakarating ko lang!"

Sabi nya. Napabuntong hininga nalang ako at binitawan na yung tenga nya. Hays. Nakakabwisit talaga.

"Gandang bungad. Wala man lang bang kiss?"

"Eh kung sapakin kaya kita."

Sabi ko at tinawanan naman nya ako.

"Scary, huh."

"Tsk. San ba tayo pupunta?"

"Dun ulit sa playground!"

Nakangiti nyang sabi at mukha syang bata. Di ko alam bakit bigla nalang bumilis tong tibok ng puso ko.

"Bakit dun?"

DIARY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon