Bangchan
Nagising na si Leila. Napangiti naman ako at agad hinawakan yung kamay nya.
"Kamusta na pakiramdam mo?"
Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin.
"Ok na ako. Sadyang napagod lang talaga ako. Sorry kung pinag-alala ko kayo..."
Sabi nya.
"Ok lang. Mabuti nalang ok ka na ngayon."
Sabi ko. Inalalayan ko syang maupo. Pagtapos ay nagtanong naman sya.
"Asan mga kaibigan mo?"
"Pinauwi ko na sila.."
Sabi ko at tumango-tango naman sya.
"Eh si Claire?"
Pagkabanggit nya ng pangalan ni Claire ay bigla ko nalang naalala kung pano ko sya sigawan kanina. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.
"Dapat pala nagpasama na rin ako sa kanya. Eh ang kulit ko sabi ko wag na.."
Sabi nya at tumawa ng onti. Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas yung pinto. Sabay kaming napatingin dun at nakita si Jeongin.
"Jeongin? Ba't di ka pa umuuwi?"
Tanong ko sa kanya. Sobrang seryoso ng mukha nya habang nakatingin sa akin.
"Hyung, pwede ba kita makausap sa labas?"
Tanong nya at tinignan ako ng masama. Maya-maya ay dumating na yung boyfriend ni Leila. Nagpaalam na muna kami sa kanila at naglakad na palabas. Ng makalabas na kami ay kaagad humarap sa akin si Jeongin at sobrang sama na ng tingin nya sa akin.
"Jeongi–"
"Hyung, bakit mo naman sinigawan ng ganun si Claire?"
Tanong nya sa akin at di agad ako nakapagsalita. Di ko rin alam kung bakit ko sya sinigawan at pinagbintangan ng ganun kanina..
"Walang kinalaman si Claire sa nangyari kay Leila, hyung. Bakit sya ang sinisisi mo, ha?"
"Hindi ko sinasadyang sigawan si Claire.."
Pagkasabi ko nun ay bigla naman syang natawa.
"Hindi mo sinasadya? Eh halos tignan mo na nga sya ng masama kanina. Di mo ba alam kung pano umiyak kanina si Claire ng dahil dun sa ginawa mo ha, hyung?!"
Medyo tumaas na ang kanyang boses. Sobra akong nag-alala sa nangyari kay Leila kaya di ko na siguro napigilan pang magalit. Matagal na kasi kaming magkaibigan ni Leila. Napahinga ako ng malalim tsaka napayuko.
"Sorry, Jeongin.."
"Wag ka sa akin mag-sorry, hyung. Kay Claire ka mag-sorry."
Sabi nya at naglakad na palayo. Ng makaalis na sya ay muli ko nanaman naalala kung pano ko sigawan si Claire kanina. Nakita ko rin ang mga luha sa mga mata nya. Nasaktan ko sya. At hindi ko sinasadyang saktan sya.
Dahan-dahan ako napaupo sa sahig at napahaplos sa aking noo. Hays, bwisit ka talaga Chan kahit kelan.