25k Special

538 29 45
                                    

it's long. enjoy :D

Claire

Future...

"Hi Claire! Kamusta na?"

Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Jeongin.

"Ok lang naman. Ikaw ba?"

"Ok lang rin! Miss na kita!"

He whined like a baby. I can't help but giggle.

"I miss you too. Musta naman trabaho mo?"

Sabi ko habang sinasampay ko ang mga nilabhan kong damit. Narinig ko ang malalim na paghinga ni Jeongin mula sa kabilang linya.

"Kapagod. Ikaw? Balita ko kakapromote mo lang ah! Congrats!"

Napangiti naman ako.

"Thanks. Ok lang rin naman. I feel good kahit papaano."

Sabi ko at saglit na natulala. Di ko akalain na ilang taon na ang nakalipas. Matatanda na kami, may mga sarili ng buhay, at may mga kanya-kanyang trabaho. Ang bilis nga naman lumipas ng panahon. Parang kahapon lang, pinapanood ko sila maglaro magkakaibigan ng basketball. My smile slowly faded when I suddenly remembered him.

"Claire? Andyan ka pa ba?"

Natauhan ako ng marinig ko ulit magsalita si Jeongin. I cleared my throat and brushed that thought away.

"Sorry. Ano ulit yun?"

"Sabi ko natanggap mo ba yung invitation?"

Sabi nya at naalala ko naman yung envelope na natanggap ko nung isang araw. I quickly went to my bedroom and opened one of my cabinet drawers. Kinuha ko yung envelope na yun at saglit na pinagmasdan. I already read about it though.

"Pupunta ka naman diba?"

Napakagat ako sa aking labi. Of course I knew na pupunta rin si Chan dun. Di ko alam kung paano ko sya haharapin kung sakaling magkita kami. It's been years since we last talked to each other. I thought everything was going well between us. But unfortunately, it didn't go too well.

"O-oo naman.."

"Chan is going too.."

Naramdaman ko ang pagkirot nitong puso ko ng marinig ko pangalan nya. Wala na akong balita tungkol sa kanya. Pero sabi naman ni Jeongin okay lang naman daw si Chan at may magandang trabaho. At least he's doing fine...

"O-of course pupunta sya."

Sabi ko at natawa ng marahan.

"Sorry sa nangyari sa inyo, Claire."

"It's okay..."

Sabi ko. Matapos nun ay nagkwento pa si Jeongin. Pero di ako gaano makafocus sa sinasabi nya dahil naaalala ko nanaman si Chan. I miss him so much. I miss everything about him. I wonder if he feels the same.

Maya-maya ay nagpaalam na sa akin si Jeongin at sinabi nyang susunduin nya daw ako next week. It's a formal reunion dahil nagpareserve daw sila sa isang hotel kung saan gaganapin ang reunion. It's formal, so we have to wear something formal. Parang prom lang.

DIARY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon