52

668 25 5
                                    

Claire

"T-tulong!"

Sigaw ko at halos mapaos na ako kakasigaw. Dahan-dahan ako napaupo sa sahig habang pilit pa rin kumakatok sa pinto. Ilang oras na ako nakakulong dito at wala pang nakakarinig sa akin. Baka nga nakauwi na lahat ng tao dito pati mga teachers tsaka janitor.

Napahinga ako ng malalim at isinandal ang aking ulo sa pinto. Fudge. Baka abutin pa ako hanggang bukas dito.

Pinunasan ko ang aking noo dahil medyo pinagpapawisan na rin ako dito. Kung wala man makakarinig sa akin dito at kung abutin man ako hanggang bukas dito ay ewan ko nalang. Madilim rin dito pero hindi masyado dahil medyo naaaninag ko pa rin yung mga gamit. Naisipan kong tumayo at naghanap ng flashlight kung sakaling meron.

Naghanap ako dun sa mga shelf. Puro papel tsaka mga pang-linis lang mga nakikita ko. Maya-maya ay may nakita akong maliit na flashlight. Napangiti ako at ng mahawakan iyon ay may bigla nalang gumapang sa kamay ko.

"AAAAHHHHH!!"

Di ko maiwasan mapasigaw at agad ako napaatras at di namalayan na bumukas yung pinto.

Napaatras ako hanggang sa tumama tong likod ko sa isang tao at parehas kami natumba sa sahig. Di ko maiwasan masaktan dahil sa lakas ng pagbagsak namin.

"Claire, ok ka lang?"

Natigilan ako ng marinig ko ang boses nya. Agad ako napalingon at di ko alam bakit biglang bumilis tong tibok ng puso ko ng makita ko si Chan.

"P-pano mo nalaman na nakulong ako dito?"

Tanong ko. Inalalayan nya naman ako patayo.

"Napadaan ako dito at narinig kita.."

Sabi nya at napakamot sa ulo. Napalunok naman ako dahil sa kaba. Di ko alam bakit ganto nararamdman ko.

"Anyways, ok ka lang ba? Ba't ka sumigaw?"

Nagtataka nyang tanong. Napahinga nalang ako ng malalim at sinabing may nakitang ipis. Tumango-tango nalang sya.

"Tara na, sabay na tayong umuwi."

Sabi nya at nauna ng naglakad. Saglit naman ako natulala. Napatigil sya at nilingon ako.

"Claire?"

Natauhan naman ako at napatingin sa kanya.

"S-sorry."

Yan nalang ang tanging nasabi ko bago sumunod sa kanya.

• • •

Tahimik lang kaming dalawa habang sabay tinatahak ang daan. Di ko alam bakit naaawkwardan ako ngayon sa kanya. Di na kasi kami masyado nagchachat at di naman kami nagpapansinan kapag nagkakasalubong kami sa school. Ay wait, sya pala yung hindi namamansin. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit di nya ako pinapansin. Kung galit sya sa akin, bakit ayaw nyang sabihin? Hays

Bigla ko naman naalala yung babaeng kausap nya nun. At naalala ko rin yung mga sinabi sa akin ni Jeongin. May kung anong kumirot dito sa puso ko.

"Kamusta naman kayo ni Jeongin?"

Bigla nyang tanong sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at nakatingin lang sya sa harap. Umiwas ako ng tingin tsaka napahinga ng malalim.

"Ok lang naman.."

"Umamin ka na rin ba sa kanya?"

Tanong nya at umiling-iling naman ako.

"Hindi pa.."

"Bakit? Akala ko ba aamin ka na sa kanya?"

"W-wala. Kinakabahan lang ako.."

Sabi ko nalang. Narinig ko ang malalim nyang paghinga.

"Bakit ka kinakabahan? Eh nagugustuhan ka rin naman ni Jeongin."

Sabi nya at di naman ako nakapagsalita. Oo alam ko pero, bakit parang hindi ako masaya dun? Natawa naman sya ng onti.

"Swerte mo nga eh dahil ikaw ang nagugustuhan nya sa lahat ng babae dyan."

Di ko alam bakit parang may iba syang pinupunto dun sa sinabi nya. Napahinga ako ng malalim.

"Eh kayo? Kamusta na kayo ni Leila?"

Tanong ko at naramdaman kong napatingin sya sa akin. Pero nanatili lang akong nakatingin sa harap.

"Pano mo nakilala si Leila?"

"Sinabi sa akin ni Jeongin."

Sabi ko at tinignan sya. Muli syang napatingin sa harap tsaka napailing-iling.

"Hays. Bakit kailangan nya pang sabihin sayo?"

Pabulong nyang sabi pero kahit na, narinig ko pa din yun. Hindi nalang ako umimik at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ok lang naman rin kami."

Sabi nya at di ko na napigilan sarili ko na magtanong.

"Nagugustuhan mo ba sya?"

Tanong ko at parehas kami napatigil sa paglalakad. Tinignan ko sya at ganun rin sya.

"Claire, ano ba pinagsasab–"

"Oo o hindi lang sasabihin mo."

Pagpuputol ko sa kanya. Tinignan ko sya diretso sa kanyang mata at di ko alam bakit mas lalong kumikirot tong puso ko. Maya-maya ay napabuntong hininga sya at tinignan rin ako diretso sa aking mata.

"Oo. Nagugustuhan ko sya. Matagal na."

Sabi nya na mas lalong ikinakirot nitong puso ko. Dun ko lang napagtanto na sana hindi ko na tinanong pa. At di ko rin alam bakit nasasaktan ako ngayon. Hindi ko naman nagugustuhan si Chan. Hindi nga ba? Pilit akong ngumiti sa kanya tsaka tumango-tango.

"Y-yun naman pala. Sige, ako na uuwi mag-isa. Mag-iingat ka."

Sabi ko at naglakad na palayo. Ng makalayo na ako kay Chan ay napawi tong ngiti ko at naramdaman kong may mga luhang namumuo sa gilid ng mata ko.

Bakit ako nasasaktan? Bakit...











DIARY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon