Claire
So yun para kaming mga isip bata na naglalaro sa playground. Mabuti nalang walang makakakita sa amin. Nagslide kami ng ilang beses at abot hanggang langit na tong ngiti ko.
Pagtapos namin mag-slide ay naisipan namin maupo dun sa swing sa gilid. Ng makaupo kami dun ay pinagmasdan namin yung kalangitan at nakalubog na pala yung araw ni hindi man lang namin namamalayan.
"Grabe, ang saya!"
Rinig kong sabi ni Chan. Napatingin ako sa kanya at nakitang tinutulak yung sarili nya dun sa swing. Natawa naman ako ng muntikan na syang dumulas.
"Naglalaro rin ba kayo sa mga playground pag kasama mo mga kaibigan mo?"
Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya ng nakakaloko tsaka tumango.
"Syempre! Kahit na matatanda na kami,0 naglalaro pa rin kami sa mga ganto no."
Sabi nya at tumango-tango nalang ako. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kalangitan at saglit na pinagmasdan yung mga bituin. Maya-maya ay nagsalita si Chan.
"Matanong nga, bakit mo nagustuhan si Jeongin?"
Tanong nya sa akin. Napatingin naman ako sa sahig tsaka napahawak sa rehas ng swing na inuupuan ko.
"Ang cute nya. Tsaka ang cute rin ng mga ngiti nya. Yung tipong maglalabasan yung dimples sa pisngi nya."
Sabi ko at namalayan ko nalang na nakangiti ako habang inaalala kung pano ngumiti si Jeongin.
"Tsaka mabait si Jeongin. Nakikita ko sya madalas na tumutulong sa iba.."
"Good boy pala type mo ah."
May halong asar na sabi ni Chan. Inerapan ko nalang sya at tinawanan nya nalang ako. Come to think of it, si Chan kaya? I mean, may nagugustuhan kaya sya?
"Ikaw ba?"
"Ano meron?"
Tanong nya. Napatingin ako sa kanya.
"May nagugustuhan ka ba?"
Tanong ko. Napatingin naman sya sa sahig at napangiti sa sarili.
"Meron."
Pagkasabi nya nun ay di ko maiwasan magulat. Di ko lang akalain na may nagugustuhan talaga sya. All along akala ko bakla sya. Charot.
"Naks. Sino?"
Tanong ko at tumingin sya ulit sa akin.
"Bakit ko sasabihin sayo?"
"Sus. Ang daya naman. Ikaw nga alam mo na kung sino sa akin eh."
Sabi ko at natawa nanaman sya.
"Describe mo nalang sya."
Sabi ko. Alam nya na nga kung sino akin tapos ang daya naman kung di nya sabihin sa akin kung sino kanya.
"Bakit ba gusto mo malaman?"
Natatawa nyang tanong. Sinamaan ko naman sya ng tingin at tinulak yung swing nya. Muntikan na sya mahulog pero agad naman sya napakapit sa rehas.
"Tsk. Sige na! Idedescribe mo lang eh!"
Sabi ko. Natawa nalang sya at umayos ng upo.
"Sige na nga."
Sabi nya at humarap sa akin.
"Hm. Maganda sya. Tsaka nakakatawa rin. Cute rin syang ngumiti. Yun lang."
Sabi nya at nagthumbs-up sa akin. Napabuntong hininga naman ako.
"Sus, yun lang??"
"Syempre! Sikreto ko na yung iba!"
Sabi nya at napabuntong hininga nalang ulit ako. Tumawa naman sya at maya-maya ay bigla nalang sya tumigil. Nagtataka akong napatingin sa kanya at nakitang nakatitig sya sa sahig habang nakangiti.
"Pero, may nagugustuhan syang iba."
Bigla nyang sabi at tumingin sa akin.
"Sana ako nalang nagugustuhan nya. Sana ako nalang laman ng puso nya."
Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Napalunok ako at agad umiwas ng tingin sa kanya. Maya-maya ay naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"B-bakit mo pa sya nagugustuhan kung alam mo naman na may nagugustuhan na syang iba?"
"Pag nagugustuhan mo talaga ang isang tao, kahit na masakit para sayo, hindi mo syang kayang bitawan at kalimutan eh. Dahil sya lang nagpapatibok nitong puso ko."
Sabi nya at di ko alam bakit di ako makatingin sa kanya. Saglit na tumahimik ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay etong mabilis na tibok ng aking puso. Di ko alam bakit nabobother ako dun sa sinabi ni Chan.
Maya-maya ay tumayo na ako at naisipan ng umuwi.
"T-tara na, umuwi na tayo."
"Okay."
Di ko alam bakit hanggang ngayon ang bilis pa din ng tibok ng puso ko.