Chapter 1

202 5 0
                                    

 Kei's POV

Napakaganda talaga niya.Haayyy Denise kelan mo kaya ako mapapansin. Sigurado akong di mo nga alam na nageexist pala ako sa mundong 'to eh. Probably it will always be a fruitless one-sided love for me. Pero ayos lang makita lanng kita kahit sa malayo.......

"boogsshhhh!!" nahinto ang pagiisip ko ng bigla akong tamaan ng bola ng volleyball sa mukha ko..

First Day of Class.....

"Oi Adrian anong nangyare sa pagmumukha mo? Bat ka may black eye?" Tanong ni Mark na takang taka.

"May chicks kasi ako nadaanan kahapon na binabastos eh, syempre alangan naman pabayaan ko kaya eto medyo nagalusan gwapo kong mukha" Mayabang na sagot ko. Aba sino ba naman aamin na kaya may black eye eh dahi tinamaan ng bola sa mukha kakatitig sa crush nya.

"Gwapong mukha? Tana mu! aga-aga naguumpisa na naman kayabangan mo. Kaya ka nababangasan eh." Napapailing na sagot ni Mark.

"Dude, what are you doing at an important time like this?" Tanong ni Dylan na bestfriend ko.

"Ano na namang pinagsasabi mo jan important time?" Tanong ko.

"Bobo ka talaga kahit kelan eh. Di ka nagbasa ng bulletin board nu?" Tunay na kaibigan talaga tong hayop na Dylan to eh makapagsabi ng bobo wagas.

Umiling ako. "Hayyy wala ka talaga kwenta. Today's the changing of classrooms and it means it is the ideal opportunity to meet other people in this school. Bagong mukha at syempre panibagong mga cup size. Mga teenagers tayo and we need to be more appreciative of the opposite sex!" Langyang Dylan to kala ko tapos na may kasunod pa pala at talagang eto yung dahilan bat ako nasabihan ng bobo ah -_-"

"Well, it really doens't involve you does it Adrian?" Mapangasar na sabi ni Mark na nahawa na sa pag iingles nitong si Dylan. Puro sapot lang ata ng gagamba laman ng utak nitong mga to eh.

"Taena nyo tigilan nyo nga ako sa mga paenglish english nyo. At bakit naman di ako magiging kasama jan? porke ba di ko sila ka opposite sex? pakyu talaga kayo! Lalaki naman ako kalahati ah!" Sagot ko sa kanila.

"Tarantado di yun dahil dun, saka ikaw babae?? eh bigote at balbas lang kulang sayo mas lalaki ka pa tignan kesa sakin. Isa pa kaya ko sinabi na di ka na makikisali samin nitong si Dylan sa pagbi-babe watch namen dahil meron ka ng Denise?" -Mark

"Denise?" Napapaisip na tanong ni Dylan. "Aaahhh.. yung cute na volleyball player. Nako par sinasabi ko na sayo bilang kaibigan tigilan mo na ang pangangarap mo, ni sulyap di mo makukuha dun."

"Salamat ah?? Salamat." Sarcastic na pagkakasabi ko.

"Adrian ang tunay na kaibigan nagsasabi ng totoo. Tigilan mo na yan walang mangyayare sa pangangarap mo. Napakarami naman na ibang babae jan, napakasungit nun kundi lang maganda yun mapagkakamalan mo na babaeng bumubuga ng apoy eh. " Imbes na palakasin ang loob ko nitong gagong Dylan to nilait pa yung pangarap ko eh.

"Alam ko naman yun Dylan kaya nga hanggang tingin lang ako." malungkot na sagot ko. Alam ko naman kasi na tama sinasabi nila eh. Kilala kasi si Denise bilang isa sa mga pinakamagaganda sa campus at ang reyna ng kasungitan.Kaya nga binansagan yun na Ice queen eh. Naalala ko pa nga na nilapitan sya ni Jake, ang captain ng basketball team at di mapagkakaila kagwapuhan nya pero tinignan lang sya ni Denise at sabay tinalikuran. Kaya simula nun wala ng nagtangka na manligaw sa kanya at kung meron man para lang silang naghuhulog ng pera sa butas na bulsa.

"Hay Adrian andami naman kasing chicks jan na nagkakagusto sayo ang arte mo pa. Bat kasi yung si Ice Queen pa? Pero kung talagang gusto mo sya eh bat di mo ligawan? Teka tatanungin ko isa sa mga babe ko na kateam mate nya at sabihin sa kanya na kakausapin mo sya at dun sa pagkakataong yun magtapat ka na." Sabi ni Dylan habang nagda-dial sa cp nya. Lokong to seryoso nga, kaya dali-dali akong tumakbo sa tabi nya at kinuha cp nya saka binato sa  bintana.

Taking the RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon