Chapter 7: Hi, Hello

7 0 0
                                    

ALEXA'S POV
.
.
.
.
.
Sa lahat lahat ng iskwelahan sa mundo dito pa kami pinagtagpo. Akala ko kasi hindi na ako makatagpo ng katulad nila. Loner kasi ako nang bata ako kaya wala akong kaibigan kahit isa. Binubully rin kasi ako minsa kasi ang payat payat ko dati, isang ihip na nga lang sa akin, tumba na ako. Kaya nagpapasalamat parin ako dahil nakakita ako ng kaibigan, hindi lang basta kaibigan. Magaganda, mababait at matatalik kong kaibigan.

Sila na yata ang perfect gift sa akin nung birthday ko noon. Nakilala ko kasi sila noong birthday ko, ang lungkot ko noon kasi wala man lang may nagpunta ng kaarawan ko. Nakita lang nila akong umiiyak sa gilid, kinausap nila ako. At simula noon naging magkaibigan na kami.

Hindi ko nga akalain na magtatagal kaming magkaibigan hanggang ngayon. Sina na ang naging kapatid kong babae. Hindi ko mai-imagine na mawala sila sa akin.

I treasure them a lot. They make me change for the better me. They make me realize how happy a life is.

Pinakita nila saakin ang totoong mundo, ang masayang mundo na hindi ko nakita sa mga parents ko. Nakatotok lang kasi sila araw araw sa business namin. Wala na sila oras para samin magkapatid. Oo may kapatid pa ako, makilit pa sa daga, si Andry.

Ewan ko doon sa kapatid ko, baliw na baliw doon sa kababatang kapatid ni Kassy, si Krystal. Ang torpe niya kasi, alam na namin na gusto niya si Krystal pero hindi pa niya inaamin. Takot 'atang mareject. Sa bagay ganun na naman ang mga tao ngayon. Pag-umamin ka iiwasan ka agad.

Actually, noon basher ako ng sikat na The shadows, feeling ko kasi ang yabang nila, parang sumikat lang ganun na agad ang ugali. Ang yabang, at balita ko , Playboy sila. Kaya na tatanong ko minsan sa isip ko kung bakit na idol d'yan si Zara sa kanila. Hindi ba niya nakikita na ang yabang nila at may pagkaplayboy. At oo,  hindi naman natin makakaila na ang gwapo nila kaso ang yabang parin.

But then, na realize ko parin na may mali akong na sabi dahil na realize ko nung naging seatmate ko siya ng hindi inaasahan. Napapangiti na lang ako sa tuwing maalala ko 'yong first convo namin.

"Hmmm.. hello" bati ko dahil ang tahimik namin. Hindi na ako tumitingin sa kaniya kasi hindi na ako mapakali, ano ba 'to. Parang kinikilig naman ako, 'diba hate ko sila?

"Hmm.. hi" sabi niya pero hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya kasi kitang kita sa gilid ng mata ko na nakatitig siya. Hindi ako mapakali pati puso ko hindi rin.

"Hmmm.. hi" nagulat ako sa lumabas sa bibig ko ang Hi ulit. Ano ba 'to.

Nakita ko siyang tumawa pero mahina lang. Anonkayang iniisp niya, malamang sa pag Hi ko ulit 'yon. Ang tanga ko kasi. Ang daming salita na pwedeng sabihin pero ano ang nasabi ko, Hi. Ahhh tanga.

"Hahaha... hello ulit.. " sabi niya sa tawang tono. Napatingin na ako sa kaniya dahil may pakaway effect pa siya, nakatingin na rin siya habang may malaking ngiti. Nginitian ko na lang siya katylad ng ngiti niya sa akin.

My Idol and LoveWhere stories live. Discover now