Chapter 8

152 18 0
                                    

Hindi matandaan ni Gabe kung saan niya nailagay o naiwan ang susi ng kanyang apartment kaya problema niya kung paano ito mabubuksan. Napaka-simpleng problemang hindi masolusyunan ni Akiko.

Problema: Nawala ang susi kaya di makapasok sa unit.

Solusyon: Sirain ang pinto para makapasok.

Napakasimple. Pero hindi 'yon ang ginawa ko syempre. Gamit ang plastic card ng prepaid load ay nagawa kong buksan ang pinto ng unit ni Gabe. Salamat sa skills pang-magnanakaw na natutunan mula sa mga kalokohan ni Allen.

"But I can't lock it when I have to bail. I still have no key."

"Edi bumili ka ng bagong door knob. Palitan mo."

"Who's gonna replace th--"

"Ako."

"You know how to--"

"Marami akong alam." Niluwagan ko pa ang pagbukas sa pinto. Kanina ko pa kasi na-unlock pero narito pa rin kaming nakatayo sa labas at nagdidiskusyon. "Papasok ka ba o hindi?"

Tuluyan nga siyang pumasok. "Thanks." Hihilain ko na sana pasara ang pinto nang bigla siyang humarap at hinawakan ako sa braso. "Aren't you gonna come in?"

"Ha?" Di ko alam kung bakit bigla akong natulala pero agad rin namang nanumbalik sa ulirat. "Hindi na. Uuwi na 'ko."

"Uhm, do you have something important to do at home?"

"Wala naman. Linggo ngayon, walang pasok. Gusto ko magpahinga lang. Bakit?" Pag siya ang kausap ko humahaba ang sagot ko. Kung ibang tao siya panay isang salita lang siguro ako.

"Oh. I thought you're gonna help me fix this." Tukoy niya sa door knob na kailangang palitan.

"Bakit, may ipapalit ka na ba? May tools ka ba? Amin na para matapos na."

"I have tools but I don't have door knob to replace. Pwede bumili na lang muna tayo? I'm sorry if I'm gonna take some of your time but I really need you."

Madalas kong marinig o mabasa ang 'I need you' na linya sa mga pelikula't nobela at ang salitang 'yon kadalasan ay katumbas ng 'I want you' o minsan ay 'I love you' pero sa sitwasyon ko ngayon, literal talaga akong kailangan para magkabit ng panibangong door knob. How romantic?

"Is that alright?"

"Oo na lang diyan."

Hinila niya 'ko papasok sa loob. Ang inasahan kong makikita sa kanyang unit ay puro kalat dahil sa pagkakaalam ko ay nagpipinta siya―Ang tingin ko kasi sa mga artist ay likas na makalat pero siya hindi―Sobrang linis at ayos ng mga gamit. Mahihiya kang humawak ng kahit anong narito. Hindi ko alam ang mararamdaman. May nabasa kasi akong may pagka-OC daw ang ang psychopath. Laging nasa ayos at malinis ang mga gamit. Parang itong kinaroroonan ko lang ngayon.

"I'm just gonna take a shower then we're gonna bail."

Nawala ako sa panandaliang pagmamasid nang marinig kung ano ang sinabi niya. "Ha?" Narinig ko lang naman kasi at hindi gaanong naintindihan pero bigla pa rin akong kinabahan sa di malamang dahilan. "K-kailangan pa kitang hin- Uhm, bakit ka pa... ano... Uhm..."

"You seem jumpy."

"Jumpy?"

"I mean, uneasy." Paglilinaw niya. "You sure you're alright?"

"Okay lang ako. Ano, uhm... Kesa hintayin pa kita, ako na lang pupunta ng hardware para bumili ng kailangan." Suhestyon ko, kaisa naman habang hinihintay siya nakakapag-imagine na 'yong makasalanan kong utak ng kung ano-ano. Maliligo nga daw kasi siya!

All Eyes On UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon