Chapter 1

778 63 45
                                    

"Very cliché."

Napangiti ang babae sa biro ko dahil hindi sinasadyang madampot naming pareho ang isang libro mula sa bookshelf.

Nandito ako sa isang book fair ng mga writers mula sa isang online reading and writing platform. Sa event na 'to ang launching ng mga libro ng ilang mga writers na pinalad mai-published ang gawang kwento na dati ay nasa isang reading application lang. Meet and greet na rin para sa fans o readers ng mga sikat na author at syempre hindi mawawala ang book signing at pa-picture ng mga mainstream at banwagoner.

"You find the story, cliché?" Tanong niya. Hindi lang mukha niya ang agaw-pansin, pati rin ang pananalita niyang may accent.

"I mean, ito." Tukoy ko sa bawat kamay naming nakahawak pa rin sa libro. "Mostly gan'to kasi yung simula ng kwento sa mga fiction, especially romance. Yung accidentally magkakakilala and then the story goes. Magkakagustuhan and magkakatuluyan." Umakto akong parang may masamang nakain na gustong iluwa matapos sabihin iyon.

Mahina siyang natawa sabay bitaw sa libro na para bang ipinapaubaya na ito sa'kin.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Tanong ko nang ibalik niya ang tingin sa book shelf, umiling siya bilang sagot at kahit na naka-sideview na siya mula sa'kin ay pansin kong nakangiti pa rin siya kasi halata ang dimple sa pisngi niya.

Siya lang ang nakita kong simple pero kapansin-pansin. Simple lang kasi ang ayos at pananamit niya. Naka-plain white tee shirt lang, jeans at sneakers, walang kahit na anong burluloy sa katawan. Hindi rin mababakasan ng kahit anong make-up sa mukha. Natural na kulay rosas ang mga labi, maliit at sakto sa tangos ang ilong, medyo makapal pero perpekto ang linya ng kilay. Panalo din ang pilikmata, ang hahaba at ang lalantik. Kapag tumitig ka sa mata niya, mabibighani ka talaga. Siya yung tipo ng babae na magugustuhan ng lahat kahit pa ang mga kapwa niya babae. Nakakainis.

"Have you read all of these?" Tukoy niya sa mga libro ni Sanet na naka-display sa katapat naming bookshelf.

"Oo." Sa libro ng paborito kong author na rin ako nakaharap ngayon. "Kainis nga." Reklamo ko. "Siya lang yung reason ba't ako pumunta rito. Akala ko makikita ko na siya. Pero di naman pala a-attend. Pa-mysterious."

Narinig ko ulit na natawa ang babae kaya napatingin ako sa kanya. "Ba't ba lagi kang napapabungisngis? Adik ka ba, ha?"

"Do I look like one?" Tanong niya nang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. Hindi naman yung klase ng ngiti na pang-adik talaga. Yung smile na parang naa-amuse lang naman.

"Kagaya ka siguro ni Matt." Komento ko na ang tinutukoy ay ang drug user na character mula sa isang fiction book ni author kung saan ang description ay parating nakangisi at natatawa sa kahit anong usapan.

Kinuha niya mula sa bookshelf ang libro kung saan mababasa ang nabanggit kong fictional character. "You seem to know every characters from her books."

"Her?" Pag-uulit ko, hindi na nabigyang pansin ang komento niya sa akin. "Sabi na nga ba babae si Sanet." Tukoy ko kay mystery author. "Pa'no mo alam ha? Sigurado ka?"

Yung username o penname niyang Sanet lang naman kasi ang alam ko tungkol sa kinaiinteresan kong manunulat. Hindi kasi siya naglalagay ng dedications o kahit footnote man lang sa bawat nobela nito, wala ring impormasyong nakalagay sa kanyang profile.

Ibinalik ng babae ang libro sa dating kinalalagyan at muling humarap sa'kin. "Saint." Saad niya na para bang nang-co-correct. "Her penname is pronounce as 'seynt' not 'sa-net'. Because she got it from her first book 'Insane' which is an antonym of Sane. And then nilagay niya yung initial ng main character sa dulo."

Medyo naguluhan pa nga ako kasi 'saynt' yung pag-pronounce niya pero gets ko naman kasi parang Australian ang accent niya.

"Si Tobias?" Tanong ko sa binanggit niya.

All Eyes On UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon