Chapter 12

138 16 0
                                    

Kahit anong kagat ko ng ibabang labi ay di rin magawang itago ng letcheng dimples ko ang tuwa. Para akong tanga dito sa kwarto. Pinipigilan pa ang mangiti gayong wala naman ibang taong kailangang pagtaguan ng kababawan ko.

“Yes!” Sa galak ay di ko na napigilan ang sumigaw sabay fist in the air na para bang naka-goal ang favourite team ko sa football.

Ngayon ko lang na-experience ‘to; Ang ma-excite. Para akong die hard fan ng isang celebrity na nanalo ng Meet and Greet.

At mangyayari ‘yon bukas!

Makikipag-meet-up sa'kin si Sanet dahil na decipher ko ang message niya mula sa librong bigay  mismo ng publisher niya. Natumbok ko ang link at nagkaroon kami ng connection sa isa't-isa.

Paano nangyari? Yung mga random small and capital letters and numbers na magkakasunod kong nakita mula sa librong may black pages ay isang link para sa pag-download at install ng isang exclusive router. Sa pamamagitan nito ay nagkaroon ako ng access sa isang line na connected kay Sanet o sa madaling salita ay parang chatbox na exclusive lang sa aming dalawa. Kung titingnan nga ngayon ang screen ng chromebook ko ay parang may virus or para akong hacker dahil sa black background ng screen ang mga data na nakasulat via code. Words by words ang interraction, hindi pwede ang videocall o maski na voicecall.

Weird but somehow I find it cool. Weird nga.

Pero kahit na gaano ka-unusual ang naging interraction namin, nangingibabaw pa rin ang sobrang excitement kong makausap siya. At dahil sa tuwa hindi na 'ko nagpatumpik-tumpik pa. Nang tanungin ko siya kung pwede ko siyang makausap in person para magpa-book sign.

All Eyes On UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon