Chapter 9

358 32 12
                                    


Prosopagnosia is a neurological disorder characterized by the inability to recognize faces including one's own face ...

Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala sa mga nababasa mula sa internet tungkol sa kondisyong sinabi sa akin ni Gabe.

Individuals with the disorder often have difficulty recognizing family members and close friends. They often use other ways to identify people, such as relying on voice, clothing, or unique physical attributes, but these are not as effective as recognizing a face.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit hindi niya kaagad ako nakilala no'ng nagkita kami sa McDonald's, kasi paos ako no'n. Kung bakit hindi pa rin niya 'ko namukhaan noong nakasakayan ko siya sa bus at no'ng nagkita ulit kami sa art-shop, kasi nakatirintas ang buhok ko no'n. At kung bakit di pa rin niya 'ko natatandaan no'ng nadatnan ko siya sa bahay, kasi nabasa ng ulan ang buhok ko at talaga namang muk'a akong ngarag.

People with prosopagnosia cannot recognize familiar faces and often cannot distinguish among the faces of strangers ...

Medyo nagkaroon ng rason kung bakit niya 'ko hinawakan sa mukha na para bang kinakabisado ito at kung bakit hindi niya 'ko natatandaan hanggat di ako nagpapakilala.

Pero bakit nga ba niya hiniling na hawakan ako sa mukha no'ng gabing yun? Hindi yun normal na gawain para sa'kin kaya di ko pa rin maarok hanggang ngayon.

Ang strange talaga ng babaeng yun.

Nagtaka rin ako ba't di agad niya nakilala ang sarili nang may mabanggang salamin. Kahit pa hindi siya maka-recognize ng mukha dahil sa kakaibang kondisyon niya, hindi ba dapat kabisado na niya ang sarili gayong iisang kulay lang naman ang isinusuot niyang tee shirt araw-araw? Ang paliwanag niya, nanibago daw siya dahil nakalimutan niyang nagdoble siya ng cardigans.

Una, susi. Pangalawa, suot. I therefore conclude na makakalimutan talaga ang babaeng yun.

Lumipas ang mga araw. Hindi pa ulit kami nagkikita hanggang ngayon ni Gabe pero nagkakausap naman kami dahil meron na kaming contact sa isa't isa.

Hindi ko inaasahan nang sabihin niyang simula noong nagkakilala daw kami sa book fair, tumatak daw ako sa isip niya. Kung hindi ko nalaman ang tungkol sa kondisyon niya, parang hirap kong paniwalaan kasi nga sa ilang beses naming pagkikita ay hindi niya 'ko nakikilala kaagad.

Ang isa pang ipinagtataka ko ay nang sabihin din niyang napagkamalan niya akong si Sanet - Yung author na pareho naming gusto (or ako lang? Kasi naman, parang ang nega niya the way na magsasabi ng tungkol kay idol.)

Sa totoo lang, noong mga oras na kausap ko siya sa book fair, kinutuban din akong baka siya si Sanet kasi mukhang ang dami niyang alam tungkol rito. Pero nawala din naman agad ang hinalang yun habang tumatagal ang pag-uusap namin kasi pansin kong sorta, kinda, parang medyo may pagka friendly siya dahil madalas napapangiti at kung makapagsabi ng trivia about Disney 'kala mo best friend kami na pareho ng hilig. E yung author na si Sanet, feeling ko ang taas ng pader no'n. Tipong hindi basta-basta nakakausap kasi hindi basta-basta nakikipag-usap. Halata naman kasi walang nangyayaring interaction between sa kanya as author at sa'min na readers. Ni wala nga siyang appearance do'n sa naganap na book fair ng Scribophile gayong may table naman siya at exclusive bookshelf ng mga libro nito.

Lekat. Sino ba kasi yung author na yun na mahilig magsulat ng mga totoong hindi katanggap-tanggap? At bakit namin napagkamalan namin ni Gabe ang isa't-isa bilang Sanet?

Ugh! Dati kay Sanet lang ako interesado kasi medyo nakakaintriga. Ngayon dalawa na; Isang author na pa-mysterious at isang stranger na may kakaibang kondisyon...na feeling ko magiging lead do'n sa una kaya naman napag-isip-isip kong kaibiganin na siya.

All Eyes On UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon