TUESDAY1
Tuesday ngayon at isa ito sa pinakayaw kong araw.
Nakakatamad ang araw na to. Pumpasok lang ako dahil nga major subject ko ngayon.
Nakakatamad talaga. Biruin mo, 5pm ng hapon ang klase ko at nagiisa lang iyon, tapos ung prof ko hindi pa nagtuturo ng maayos.
Pumasok ako ngayon sa kadahilanang madami na akong absences at baka madrop ako. hahaah sayang naman ang pinangtuition ko. Isa ring dahilan ay nasa klase na to ang isang poging nilalang.
Pogi siya. Hindi yung pogi na araw araw mong nakikita. Crush ko sya nuon, pero nagfade din ung pagkacrush ko sa kanya. Pero bakit ganun, pag nakikita ko siya, parang gusto ko pa din siya. Di yun love no. Wag ka assuming na inlove ako sa kanya.
Kakaiba talaga ang dating niya, yung tiping inosente na pogi. Hindi niya ata alam na pogi siya. Mabait, tahimik, at masipag sa klase kung minsan. Bihira ko siyang makita ngumiti.
Late ako ng dating ngayong Tuesday na ito. Nakakatamad kasi. Pagdating ko, may gingawa silang activity , nahabol ko naman agad. Ako pa nauna sa kanilang makatapos, pag petiks nga naman.
Wala na kong magawa after kong magpasa. Nagpatugtog ako ng anime song sa cellphone ko at di ko ginamit ang headphones ko.
(Memory of my First Love from The World God Only Knows)
-
mou ichido ugokidasu ♫
awaku itoshii hibi ♫
nido nai shunkan to kanshoku wa ♫
kiete ita keredo ♫
kokoro ni mada nokoru junsui to ♫
hajimete koi wo shita kioku ♫-
Napakalungkot na kanta. Habang nagpplay ang music sa mobile ko, lumapit sa amin si Erick. Tila nawawala at may hinahanap. Hinahanap pala nya kung san nanggaling ang tugtog. Sinadya ko na marinig nya yon dahil alam kong mahilig din siya sa anime. Sabihin na nating isa iyong "bait". Kumagat naman sya.
Natapos ang isang kanta, isusunod ko ito
-
Kawaita kokoro de kakenukeru ♫
Gomen ne nani mo dekinakute ♫
Itami wo wakachiau koto sae ♫
Anata wa yurushite kurenai ♫-
Isang popular na kanta sa mga otaku at sa mahihilig sa anime. Lalong lumapit si Erick. Nilapit nya ang kanang tenga nya malapit sa aking cellphone na nasa lamesa ko.
Tumingin siya sa akin at sabay sabing
"God Knows?", hula niya sa title ng kanta na pinapatugtog ko.
Tumungo ako. Habang nakikita ang pogi niyang muka na nakaharap sa akin. Masyadong malapit, bumibilis ang tibok ng puso ko.
Aba unang beses namin magusap na hindi related sa groupings namin. Natuwa ako.
Nagtuloy ang paguusap namin at sinabi nga niyang mahilig siya sa anime. Syempre di ko sinabing alam ko. Kunwari wala akong alam sa kanya.
Tinanong niya kung may collection ba ako ng anime.
"oo" ang sagot ko. Napasubo ako. Wala na pala akong anime collection. Josme ineng.
Pakopya raw siya ng anime collection ko. Di bale, madali lang naman magdownload..
Kinilig ako kahit papano. Bigla ko na lang ginusto na magusap uli kami sa mga susunod pang araw.
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Assumera
HumorAssuming na kung Assuming :) PEro masaya tayo pag nagaassume tayo di ba?