Puyat ako ngayon dahil sa wala akong tulog. Kasalanan ni Erick. Tumamabay ba naman siya sa isipan ko buong madaling araw. 5am ako natulog at 6 am ako gumising. Tulog pa ba ang tawag dun? Chineck ko ang FB account ko sa pagbabakasakaling online na si Erick. Hindi ako binigo ng aking umaga. nakita ko na may message siya sa akin. Umagang kay ganda nga naman!
Nagchat kami bago ako umalis. May pasok pala sya ng 7:30 to 10:30 AM tapos 5:30 PM na next class nya. Grabe ang haba ng Vacant niya. Wala daw siya gagawin kundi manuod ng anime kasoooo nasa akin ang External hard disk niya. Gusto ko siyang samahan sa mga idle hours niya. Manunuod kami ng Tokyo Ghoul. Excited talaga ako, solo ko nanaman siya. ♥
Dumaan ako sa Dentist ko nitong umaga, nakita ko rin duon ang long lost besfriend ko. Masaya ako na nankita ko siya. Excited na akong umuwi para makapgbihis na at makadiretsyo na sa school nang masamahan ko siya. Nakauwi ako ng 1pm at tinext ko siya kung saan ko siya makikita. inantay ko ang reply niya bago ako umalis. Ayokong maging loner sa school. Hindi siya nakapagreply agad kaya nakatulog ako. Nagreply siya ng 3PM at sinabing naglaro siya ng computer games. 4PM ko na nabasa ang text niya. Sayang ang oras na pede naming pagsamahan. Nanghinayang talaga ako.
Humingi ako ng paumanhin dahil nasa akin ang EHD niya at wala siayang mapanuod. Ok lang daw. 5:30 ang klase ko ngayon. Pumasok na ako sa school dahil may activity kami at classmate ko din siya sa subject na iyon. Sayang at hindi kami magkagrupo, pero ok lang. Walang Flash Drive ang group nila kaya nakipagtrade ako. Tutulungan niya ang group ko sa activity, at pahihiramin ko siya ng Flash Drive. Naging ok ang kasunduan namin. Nagusap kami na parang normal na mga studyante sa isang paaralan. Walang Nakakakilg na eksena. Boring di ba?
Nauna ang grupo namin matapos kaya't inanatay ko sila. Dinahilan ko na inaantay ko ang Flash Disk ko, pero ang totoo ay inaantay ko siya. Gusto ko siyang makasabay sa paglabas ng school.
Natapos na ng grupo nila ang activity at di pa siya nauwi. Sasabay pala siya sa mga kaibigan niyang lalake. Nakaklungkot.. Sumabay pa ang madilim na kalangitan. Kumikidlat pa nuogn oras na iyon. Mukang uulan. Sang ayon ang kalangitan sa aking kalungkutan.
Bago ako umuwi ay kumain muna kami ng aking kaibigang si Ange. Nagusap tungkol kay Erick at tungkol sa nararamdaman ko. Assuming na nga ako, greedy pa ako. Gusto ko sa akin lang ang atensyon niya. Magkaibigan kami, masaya ako sa bagay na iyon. Ngunit gusto ko ng higit pa. Gusto ko pa siyang makilala, ang makit a siyang ngumiti dahil sa akin, ang makasama siya ng matagal. Gusto ko na ako lang ang nakakaalam ng lahat ng bagay na tungkol sa kaniya.
Para bang Paranoid, Psychotic, Obssessive, Possessive ako.
Pero don't worry. Crush ko lang siya. try kong dumistansiya para di na ko maghangad pa ng iba.
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Assumera
HumorAssuming na kung Assuming :) PEro masaya tayo pag nagaassume tayo di ba?