Matapos ang nakakalungkot na ending ng tuesday ko ay isa na namang panibagong araw. Miyerkules ngayon at Medyo bangag nanaman ako. 1 oras ng lang ang tulog ko dahil tumambay nanaman sya sa aking isipan. Magkatext kami kahapon. Ibabalik ko sa kanya ang HDD nya ngayon, magkikita kami sa school by 11 AM. 7AM palang naman kaya maglalaro muna ako saglit.
Inabot ng 2 oras ang aking paglalaro ng computer games. Buhay nga naman, imbis na itulog ko na lang, nilaro ko pa. 9AM na at inaantok na ako. Nagdecide akong matulog kahit isang oras lang, ganto kasi ang power nap ko.
"Ate, 10:40 na" ang bumungad na mga salita sa akin ng aming kasamahan sa bahay nang ako'y kanyang ginigising.
Hala ka. Late nananaman ako sa usapan namin. Lagi na lang. Bawas ganda points tuloy. Pero ganto rin kasi ung sa mga shoujo manga, ung bida minsan late. 12 na ako nakarating sa school. Pagpasok ko ng gate ay natanaw ko agad siya. Malabo ang mata ko pero malinaw to pag sa kaniya ko nakatingin hehe. Nilapitan ko siya at tumayo siya mula sa pinagkakaupuan niya.
Ang pogi talaga niya, mas matangkad siya sa akin at pogi siya. Uulitin ko, pogi siya. Dark pink na tshirt ang suot niya at eto ay medyo manipis. Ang sexy niya grabe. Pinagnanasaan ko nanaman siya gaya ng ginagawa ko sa mga anime character na gusto ko.
"Pasensya na ngayon ko lang naibaik tapos late pa ako." habang inaabot ko sakanya ang HDD. Dalawang kamay ang gmit ko sa pagabot para sincere at malay mo mahawkan ko kamay niya. Manyak na manyak. hahaha
"Ok lang un hehe salamat ah." sabay ngiti. Hindi gaano malakas ang boses niya, spaat lang na kami ang makarinig. Nagtinignan sa amin ang mga kaco-deptartment namin habang naguusap kami. Mainggit sila.
Nahulog ata ang puso ko. Lumabas kaluluwa ko. Parang gusto ko siyang ibalot at iwui na sa bahay. Nauna na akong maglakad dahil di ko mapigilan ang kaligayahan ko ng makita ko siya.
Hay nako, gusto ko pa siya kausap kaso ayoko maubusan kami ng topic, baka wala na akong itopic sa mga susunod na araw na magkikita kami. Ok na siguro ung hi o hello sa isang araw. Masaya na akong nakita ko siya at pinansin niya ako.
Seminar
Naunang umalis ang grupo namin para magpunta sa isang seminar. Magkatext pa rin kami.
"Paalis pa lang kami, nakaalis na ba kayo?" ang text ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng school.
Huminto kami saglit dahil may kinausap ang aming kasama. Pagtingin ko sa kakausapin niya, andun din si Erick. Hawak niya ang cellphone niya at mukang nagtetext siya.
Sa loob ng dalwang buwan na nakikita ko siya sa school, madalang ko lang na mkita siyang nagtetext. Kaya naman masaya ako na nirereplyan niya ako palagi mula nung nagkatext kami.
Nagtago ako sa likod ng kasama ko nang dumaan kami sa harapan nila Erick. Nahihiya ako dahil katetext ko lang sa kaniya at anjan pa pala siya sa school.
"Parang nakita kita habang nagtetext ako" ang reply niya sa akin.
ahahahah buhay nga naman, mataba kasi ako kaya mdali ako makita pero ok lang sexy padin.
"ou eh, nahiya lang ako." ang sagot ko.
Nasa Seminar na kami. Madami ang tao at late na sila duamting kaya sa likod sila umupo. Sa harapan naman kami, magkatext pa rin kami. Madami akong nalaman tungkol sa kaniya at madami pa kong gusto malaman.
Tapos na ang seminar at maguuwian na, pero bago yun ay nagattendance muna kami. Hinanap ko siya at nakita kong may babaeng nakahwa sa braso niya, si Hera. Siya ang isa sa ayaw kong babaeng sa school. Isip bata at di o maintindihan. Wala silang relasyon pero nagseselos ako.
Gusto ko sakin lang siya, sa akin ang oras, at sa akin ang atensyon.
Kumain kami ng grupo ko bago umuwi, hiwalay ang landas namin. Gusto ko siya makasaby sana, ngunit di maari.
Tingin ko ay dapat na akong lumugar. MAsyado na ata akong nagfefeeling close.
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Assumera
HumorAssuming na kung Assuming :) PEro masaya tayo pag nagaassume tayo di ba?