Hay nako Monday nanaman. Nakakatamad. 6AM ako gumising para magaang makapasok sa school.
Kahit na maaga ako gumising, di ko padin maiwang malate dahil sa unti ang tren sa LRT ng oras na yon. Mula Baclaran papuntang Buendia ay nakatayo ako malapit sa pintuan para madaling makalabas. Pagdating ng Buendia, SPARTAAAA ang peg ko. Kung hindi, maiiwan ako sa loob.
Late ako ng 20 mins sa first subject ko. Pero ok lang sa prof. Natapos ang dalawa kong subject at 1PM na, katatapos ko lang rin magtanghalian. Inaantok na ako ng sobra.
IF A+B = C, THEN C= CRUSH
TRIGO na pala. Ang Subject at oras kung saan classmate ko si Erick. Kinabahan ako. Nauna na ako sa room para ihanda ang sarili ko sa hugot lakas loob na pagkikita namin. Malapit ang upuan ko sa pintuan kaya nakikita ko agad ang mga napasok. Exam namin ngayon at mas kinakabahan ako sa pagdating niya kesa exam namin.
2PM ay dumating na siya., Pumasok siya sa classroom suot ang kanyang Uniform. Napakapogi niya talaga. Saglit ko lang siya tinignan dahil nahihiya ako. Nakaheadset siya ng pumasok siya sa klase. Dahan dahan siyang naglakad pagitna dahil naghahanap siya ng upuan. Madami namang bakanteng upuan pero di ko alam bakit di siya makadecide kung saan siya uupo.
Mula sa mga upuan malapit sa bintana ay naglakad siya pabalik sa side namin, dun na siya umupo sa likod namin. Kinilig ako. Madalas ay sa kabilang side siya naupo ngunit ngayon ay sa side namin at sa likod ko pa. Assuming na kung assuming pero pakiramdam ko gusto niya umupo malapit sa akin. AHAHAHA :P
Tinuturuan ko ang kaibigan ko na nasa likod ko tungkol sa Trigo nang umupo siya sa tabi ng kaibigan kong iyon. Nagpapanic na ako sa loob ko di ako makaconcentrate, di ko alam pano ko siya kakausapi. Pano nga ba?
Di ako makatingin sa kanya kaya humarap muna ako sa harapan. Kumuha ng lakas ng loob nang marinig ko na naguusap sila ng kaibigan ko tungkol sa KUROKO NO BASKET. Lumingon ako sa kanila at nakisali sa usapan, dahil sa usapan na yon ay nagawa kong kausapin si Erick na parang normal akogn tao.
Tinanong ko kung dala ba niya ung EXTERNAL HARD DISK na may laman ng anime collection niya. Dala niya nga. Hiniram ko at sabi ko, bukas ko na lang ibabalik.
Naputol ang masaya namign usapan dahil dumating na ang substitute teacher namin. Exam na. Bago magsimula ang exam ay tinwag niya ako
"Rachel.."
Kinilig ako nang marinig ko un dahil alam kong siya ang tumawag sa akin. Tila bang may dumaan sa spinal cords ko ahahha. Lumingon ako.
"pakopya ako.haahaha" pabiro niyang sabi
"sige, luwagan ko space dito para makita mo sagot ko hahaha"
at nagtawanan kami.
Simula na ng exam. Paborito ko ang MATH kaya kahit anong hirap nito'y naeenjoy ko parin. Tuwing nageexam ako ay hindi ako nakakapansin ng ibang tao sa paligid ko. Masaya akong sumasagot. Massochist kase.
Marami nang nagpasa ng kanilang papel at sa tingin ko'y nakauwi na rin siya. Natapos ko ang aking exam. Tumayo ako para ipasa ang papel. Pagbalik ko mula sa teacher's desk ay nakita ko siya na nakaupo sa likod namin. Andun padin siya. Siguro ay nagpapalamig lang siya. Pero dahil assuming ako, inisip ko na baka hinihintay niya ako.
Hinahanda ko ang gamit ko para makauwi na ako nang lumabas siya ng classroom.
"Hay uuwi na siya. Sabi na di niya ako inaantay.", bulong ko sa sarili ko.
Nang naglalakad n kami palabas ng pinto ay nakita ko siya sa labas. Nakita rin siya ng mga kaibigan ko.
"Chel, inaantay ka ba ni Erick?" tanong sa akin ni Kim.
"Hala! impossible no. baka may ibang inaantay" ang sagot ko, pero mind you iba ang nasa isip ko.
Paglabas ko ng pinto, nilapitan ko siya para magpaalam.
"Uwi ka na?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi pa, may klase pa ako. Pero sabay na ko sayo paglabas ng school. Kakain ako sa labas"
nakatingin sa akin ang dalawa kong kaibigan at mukang nabigla kaming lahat sa sinabi niya. Walang malisya, pero assuming ako feeling ko eh gusto niya tlga ko mkasama. ahahahah assuming kase.
kinilig ako ng bongga pero di ko pinahalata.
"Ah sige tara, pauwi n kami" at naglakad kami pababa galing sa 3rd floor.
paglabas namin ng Main Building, andun ang isa pa naming kaibigan. Alam niyang Crush ko nuon itong si Erick. Nagulat siya dahil naguusap na kami at sabay pa kaming lalabas ng school.
Madami din kaming napagusapan sa sandaling magkasama kami. isa ruon ay ung issue na BAKLA DAW SIYA. Tumawa lang siya sa sinabi ko. Naghiwalay kami paglabas namin ng gate.
Hindi mawala sa isip ko ang pagantay niya sa akin. Assumign ako kaya nagassume ako. Pero natatakto ako. Paano kung tuluyan akong mahulog..
Mahalaga sa akin ang pagkakaibigan namin. Sana mapigilan ko sarili ko. Assuming ako. ahahah
Tuesday bukas at classmates nanaman kami sa isang subject. Ano kaya ang mangyayari?
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Assumera
HumorAssuming na kung Assuming :) PEro masaya tayo pag nagaassume tayo di ba?