After ng usapan namin nng tuesday ay napaginipan ko siya ng gabing din iyon. Nagulat na langako sa sarili ko dahil di ko naman siya iniisip bago ako matulog. Pero ok lang, sa panaginip ko, masya kami at may relasyon daw kami. Nakakaloka.
FRIDAY
Chinat ko sya sa FB nung Wednesday ng gabi. Mabba lang quality ng mga videos ang dinownload ko para hindi malaki sa space. Nagreply sya nung Friday na nang gabi. Ok lang daw.
Nagpatuloy ang paguusap namin tungkol sa anime at manga. Nagrecommend ako sa kanya ng mga anime at mga manga na sa tingin ko ay maganda at kakaiba. Ok sya kausap sa FB. hindi snob, kaso paranoid ako kaya feeling ko naiirita siya sa akin or pinakikisamahan lang ako. Pero gusto kong maniwala na genuine siya. New found friendship.
Inaantok na ko tinitiis ko lang kasi nga kachat ko siya. Pero di na kaya ng mata ko kaya nagpaalam na ko. Hiningi ko na rin ung listahan ng anime niya na meron siya para bigyan ko siya ng mga anime na wala pa siya. Nagpaalam n ako at natulog.
SATURDAY
Dumating ang 10pm at nagchat kami uli, binigay niya sa akin ang listahan ng mga anime collection niya. Sobrang dami. Halos 130+ ang Completed Series na meron siya. Wala na akong mabbigay sa kaniya. Ako na lang ang kokopya. Ok lang daw tapos may smiley sa dulo ng chat niya. Maliban sa anime at manga, napagusapan namin ang mga edad namin.
Akala ko 18 years old palang siya..
"Nga pala, ilan taon ka na?" tanong ko sakanya.
"hulaan mo, bawal tumingin sa Facebook ko", sagot niya sa akin.
"18?"
"hindi"
"16?"
"hindi rin"
"woaaah 13! ahhha"
"ahahaha lalong hindi"
"OMG don't tell me... 20?!"
"tama hahaa bakit ikaw ilan taon ka na"
"HALAAAA di halata sa muka mo muka kang bata. hindi yung gusgusing bata na 10 years old."
"ahahaha bakit ikaw ilan"
"20 na ako pero mukang mas matanda pa ako. ano sikreto mo"
"wala naman.. ahhaha kala ko senpai na ako. sayang"
"mas bata ako sayo ng 1 month, kaya SEMPAI na kita. KOUHAI mo ako. "
forward, mdmi pa kami pinagusapan. Isa na dun ay kung may GF sya. AT GOOD NEWS. WALA SIYANG GF. Pero asa naman ako diba. ahha kasisimula palang ng friendship assuming agad ako. kaya nasisira mga relationship ko sa tao eh.
Inabot kami ng 6am kakachat. Inantok na ako at nagpaalam na. Bampira talaga siya.
Matatapos na ang lingo at kinakabahan na ako. Magkikita kami bukas sa school. Pano ko siya iaapproach? Nahihiya ako.
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Assumera
HumorAssuming na kung Assuming :) PEro masaya tayo pag nagaassume tayo di ba?