IV

15 0 0
                                    

Nagtuluy tuloy na yung pagsabay namin sa bus papasok ng eskwelahan at pauwi. Araw-araw din kami magkausap sa Facebook. Sobra na yung kilig ko noon kaso nalaman ko may ka-MU pala siya pero sabi niya matagal na daw yon at ayaw na daw niya kaso hindi niya makausap yung girl.

Syempre ako naman bilang mabuting kaibigan, pinayuhan ko siya.

Hanggang sa isang araw nagkaaminan kaming dalawa na may gusto kami sa isa't isa at tinanong niya kung pwede siyang manligaw pero sabi ko sa kanya na ayusin niya muna yung sa ka-MU niya tapos saka niya ulit ako tanungin.

Ayoko naman na manligaw siya sa akin tapos hindi pa ayos yung sa kanila ng ka-MU niya dati, gusto ko maayos muna sila bago magkaroon ng something sa amin.

Nandito ulit kami ngayon naglalakad papunta sa bahay namin..

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung kamay ko.

Unti-unti niya ‘tong inintertwine sa kamay ko.

Ang sarap sa feeling. :”””>

“Uy, Ja, nakausap ko na si (name ng kaMU).” Sabi niya sa’kin.

Nagulat naman ako dahil akala ko hindi na niya yun kakausapin.

“Oh, kamusta?” Tanong ko.

“Ayun, wala na. Ayos na.” Parang bigla akong nabunutan ng tinik.

“Ahh, mabuti naman okay na kayo.”

 

“Oo nga eh.”

 

Tuluy tuloy lang kami sa paglalakad. Malapit na kami sa bahay namin.

“Ja.” Nagulat naman ako don.

“Oh?”

 

“May gusto lang sana akong itanong.” Hmm, ano kaya yun?

 

“Ano yun?”

 

“A-ano. Aa-ano kk-asi eh.” Hala siya, bakit nauutal ‘to?

Pero kinakabahan ako sa totoo lang. Kinikilig din at the same time. IEihifhi ano kaya itong itatanong nito.

“Oh, ano na? Hindi ka na nagsasalita jan. Haha.” Niloko ko siya para lang mabawasan yung dead air. Ang awkward eh.

“Eh ang hirap kasi sabihin eh.”

Oh, nandito na kami sa bahay. Hindi pa rin niya nasasabi. Hahaha.

“Oh Jio, ano na yung sasabihin mo?” Tinanong ko ulit siya. Medyo natatawa-tawa pa nga ako ng konti eh, nakakatawa kasi siya kanina.

Bigla siyang nagseryoso.

Nakakagulat. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Kinakabahan na ako, ano ba talagang sasabihin nito sa akin?

Unti unting bumubuka ang bibig niya. Bakit ganito, parang bumabagal ang nasa paligid ko.

“Ja, seryosong seryoso na ko ako sayo…

 

 

 

…Mahal kita.” A-Ano daw?

“Pwede na ba akong manligaw ulit?”

Medyo may hinala na ako sa itatanong niya pero hindi ko inaasahang ganito ang magiging reaksyon ko. Nakakabigla.

“Natatakot kasi ako Jio, sobrang nasaktan na kasi ako.” Sinabi ko na kaagad sakaniya yung totoo.

“Bakit ka ba natatakot? Kasi baka katulad lang ako ng ibang lalake dyan? Kasi baka gawin ko yung ginawa sayo ni King? Kasi baka iwan at saktan kita? Hindi kita sasaktan Ja, at kung masaktan man kita hindi kita iiwan.”

 

Sa sinabi niyang ‘yon, ayoko pa ring tuluyang maniwala pero nakikita ko sa mga mata niya yung katotohanan sa mga sinabi niya.

“Talaga?” Kailangan kong makasigurado. Ayoko nang masaktan ulit. Ayokong ayoko. Mas ayoko pa sa asong panget.

“Talagang talaga.” At dahil don sa mga sinabi niya, napanatag ako.

“Osige. Oo, pumapayag na akong magpaligaw sayo.”

 

Nagulat na lang ako nang biglang nasa loob na pala ako ng mga bisig niya. Nanghihina yung tuhod ko, kinikilig ako. Buti na lang nakayakap ako sakaniya. Hayy, ang saya saya ko!!!!

*tsup*

O_____O

>//////<

Hinalikan niya ako sa pisngi.

Niligawan niya ako.

Pumayag ako.

May mas sasaya pa ba sa araw na ‘to?

Sobrang umaapaw ang kasiyahan at kakiligan ko ngayon. I swear!! Nakikita ko rin naman na ganoon din siya. Haaayyyy. Ang sarap mainlove!

Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon