WAKAS

27 0 2
                                    

At doon na siguro nagtatapos ang storya ng pag-iibigan namin ni Jio. Ang storyang nagparamdam ulit sa akin ng pagmamahal, kasiyahan, kilig, pag-asa at kung anu-ano pang emosyon na ngayon ko lang naramdaman sa maikling panahon. Ang storyang akala ko ay may happy ending na pero sabi nga nila hindi lahat ay nagkakaroon ng happy ending. May mga taong pinagtagpo upang magmahalan pero hindi maaring magsama at siguro isa kami ni Jio sa mga taong 'yon. Masakit, sobrang sakit na hanggang dito nalang ang aming storya dahil umasa ako na magiging kami at magkasama naming haharapin ang bawat araw ngunit hindi pa siguro ngayon ang tamang oras para sa mga ganito. Aaminin ko, mahal ko na siya at mahal ko pa din siya hanggang ngayon pero may mga bagay talaga na kailangan mong pakawalan dahil mas makakabuti ito.

Hindi ko alam kung ano na ang susunod mangyayari sa amin ni Jio, madalas ko pa din siyang makasabay sa bus ngunit hanggang tingin at ngitian nalang kami parang katulad lang nung hindi pa kami nagkakakilala. Umaasa pa din ako na magkaayos kami pero kung wala na talaga ay sana maging magkaibigan kami kahit papaano.

Heto ako ngayon binubuhos lahat ng oras at pagmamahal ko sa mga kaibigan ko at pamilya at pati na rin sa pag-aaral. Patapos ang 1st sem namin sa school at malapit na din ang 2nd sem. Kaunting panahon na lang at matatapos ko na ang unang taon ko sa kolehiyo at pagkatapos non ay pupunta na akong Japan. Tama kayo ng pagkabasa, pupunta na akong Japan kasama ang nanay at kapatid ko. Titigil muna ko sa pag-aaral ng isang taon upang makasama ang pamilya ko at para na din makapag-aral ng lenggwahe nila dahil makakatulong din ito sa kurso ko. Napagdesisyunan ko na na pumunta doon dahil eto na siguro ang plano ng Diyos para sakin. Bagong buhay, kapaligiran, pag-asa at oportunidad ang naghihitay sa akin. Kung ano man ang nangyayari sa akin ngayon ay pinagpapasalamat ako sa Diyos sapagkat dahil sa mga ito ay madami akong natututunan at ito ay nagpapatatag sa akin at sa pagkatao ko.

Kaya para sa akin, totoo ang kasabihan na "the best relationships usually comes unexpectedly" pero hindi para sa lahat ng tao. Lahat ng relasyon ay nagsimula sa hindi inaasahang pangyayari ngunit hindi lahat ng mga ito ay biniyayaan magsama at magmahalan ng panghabang buhay, ang iba ay nakatadhanang matapos na lamang dahil na rin siguro hindi sila ang para sa isa't isa. Isa sa mga natutunan ko sa kwentong ito ay "everything takes time", hindi dapat minamadali ang mga ganitong bagay dahil dadating din yan sa tamang oras na itinakda ng Diyos sapagkat kapag lalo nating pinipilit ang mga bagay na hindi pa dapat ay lalo lang tayong masasaktand Kaya ienjoy natin ang buhay dahil isang beses lang tayo mabubuhay, huwag natin masyado dibdibin ang mga ganitong bagay dahil masyado pa tayong bata para dito at madami pa tayong tatahakin. Ang pag-ibig hindi mawawala yan, andyan lang yan sa tabi tabi kaya relax lang tayo! Dadating din ang taong nakalaan para sa atin, yung taong hindi tayo iiwan at sasamahan tayo sa hirap o ginhawa, yung taong magpaparamdam sa atin ng tunay na pagmamahal at yung taong magpapaunawa sa atin kung bakit hindi naging okay kung ano man ang mayroon sa nakaraan natin.

Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon