"Haaaayyy.. Ang tagal naman ng mga 'yon." Papasok nanaman.
Inaantok pa ako.
Isang araw nanaman ang tatahakin ko.
"Aray!" Ang sakit, putek. May nangbatok sa'kin. Sino ba yun?!
"Hi Ja! Morning!" Sabay belat niya.
Aba. Si Matt pala. Lokong 'to, umagang umaga, pinagtitripan ako.
"Aba umagang umaga nangtitrip ka ha!" Sabay kotong ko sakaniya. Kala niya huh. Hahaha!
"Oy! Nandito rin ako." Si Christian.
"Hi Dog! Hahaha!" Yun kasi pang-asar namin sakaniya eh. Nakasanayan na namin.
"Hi Nosey!" Sabay kurot ng ilong kong.. sige na pango na! Hmmp!
Kahit kailan 'tong mga 'to! Haha. Sila ang madalas kong makasabay kapag papasok. Malapit lang kasi ang school nilang MAPUA sa school kong LPU. *hair flip*
"Tara na nga, sumakay na tayo." Panghihikayat ko.
Sabay akyat namin sa bus.
"San tayo?" Tanong ko.
"Doon na lang sa dulo, dun naman tayo madalas." Sabi ni Matt.
"Sige."
Nakaupo na kami, naghihintay nalang ng mga pasahero para mapuno at umalis na 'tong bus. Kung anu-ano na ang napag-usapan namin para hindi kami mabagot habang naghihintay.
Ilang sandali pa ay napuno na yung bus at paalis na ito.
"Ayan! Sa wakas, aalis na yung bus." Sambit ko.
"Aba? Mukhang excited ka pumasok ngayon ha?" Sabi ni Christian.
"Hala! Hindi, gusto ko na kasi matapos yung araw agad. Hahaha!" Katwiran ko. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit biglang na-excite akong pumasok ngayon.
Paalis na yung bus dahil puno na nang may biglang may umakyat at tumayo sa gitna, medyo malapit sa amin. Aba, pahabol si kuya.
Bigla akong napatingin sa mukha niya.
Teka, parang namumukhaan ko 'to ah.. Eto ata yung kaibigan ng kaklase ko dati na kinausap niya sa bus bago siya bumaba nung isang araw at nakikita ko siya madalas kasi nagkakasabay kami sa bus. Pero baka mali ako. Naka-sideview lang eh. Baka kamukha lang niya.
Tumingin na lang ako sa bintana, baka mahuli pa niya ako. Baka kung ano pa sabihin.
Binalik ko yung tingin ko sakaniya. Parang siya kasi talaga eh. Hay, bahala na nga. Iidlip na muna ako.