V

17 0 0
                                    

Ayon nanliligaw na siya sa'kin.

Napaka-effort nitong lalaking 'to.

Hinahatid niya ko hanggang school kahit malalate na siya.

*Flashback*

Naglalakad kami noon papunta sa school ko..

Nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

ASGhjkds; nakakagulat naman 'to!

"Uy, bakit mo hinahawakan kamay ko?" Tanong ko lang naman, pero kinikilig talaga ako. Hahhahahaha.

"Bakit ba, bakit mo ba pinapakialaman ang diskarte ko? Hindi naman ikaw yung nanliligaw." 

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kikiligin sa sinabi niya pero hinayaan ko na lang na magkahawak ang kamay namin.

Ang sarap sa pakiramdam na hawak ko yung kamay niya.

Hanggang nakarating kami sa school ko, ay magkahawak pa rin ang aming mga kamay.

"Sige, una na ko. Salamat sa paghatid, ingat ka!" Nakangiti kong paalam sa kaniya.

"Sige." Sabay niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

Nagulat ako dahil ginawa niya yoon sa harap ng maraming tao.

Pero siyempre kinkililig talaga ako. :">

Kumalas na ako sa pagkakayakap niya.

"Sige na, umalis ka na. Ma-lelate ka na oh, anong oras na." 

*End of Flashback* 

Susunduin niya ko sa may 7/11 para sabay kami uuwi.

*Flashback*

Naghihintay ako dito ngayon sa loob ng 7/11 para magkasabay kaming umuwi.

Kanina pa nga ako nandito, naghihintay sa kaniya pero wala pa rin siya.

"Haay, ang tagal naman nito. Nasaan na kaya siya?" 

Isang oras na ang nakalipas pero wala pa rin siya kaya napagpasyahan kong pumunta na lang dito sa labas ng Park n' Ride kasi nakakahiya na doon sa mga crew ng 7/11, wala naman akong binili. Hahaha.

Maya maya ay nakita ko na siyang tumatakbo. Hindi niya ata ako napansin.

"Huy!" Tawag ko sa kaniya sabay hawak sa balikat niya.

Nagulat siya. "Oh, bakit ka nandito?" Pansin kong hingal na hingal siya at pawis na pawis.

"Nakakahiya kasi sa 7/11, ang tagal ko na doon nakatambay eh. Bakit ka tumatakbo?"

"Pasensya na, kinuha ko pa kasi yung I.D. ko eh. Pasensya na kung napaghintay kita nang matagal. Alam kong kanina ka pa naghihintay kaya tinakbo ko na yung Adamson papunta dito." Paliwanag niya.

"Oh eto oh." Sabay abot sa akin ng paborito kong Milktea na may nakasulat na "I'm Sorry :(". Na-touch ako sa ginawa niya dahil bumili pa talaga siya at sumulat para lang hindi ako magalit sa kaniya.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong piniktyuran yung lalagyanan at yung nakasulat dito kahit wala na itong laman. Para may remembrance ako.

*End of flashback*

Ihahatid niya ko sa bahay.

Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon