II

16 0 0
                                    

Kinabukasan…

4:00 AM

*Engk! Engk! Engk! Engk!*           

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Haaaay, isa na namang araw ang naghihintay sa akin. Makapag-ayos na nga para hindi ako mahuli sa klase.

Ma aalis na po ako!” Sigaw ko sa nanay ko na nasa banyo.

Sige anak, mag-ingat ka. Itext mo ako ha!” Sagot naman nito.

Opo ma, bye. I love you.” Sabi ko bago umalis.

Ay teka, itetext ko nga pala muna sila Matt at Christian.

           To: +63922*******, +63906*******

                        Asan na kayo? Paalis na ako sa bahay.

*tut tut*

From: +63906*******

            Papunta na din ako.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa istasyon ng bus dahil malapit lang naman ito sa bahay namin at para makatipid din ng pamasahe. Pagkadating ko doon ay nakita ko na agad si Matt.

Hi Matt!” Bati ko sa kanya.

Hello Ja!

Wala pa ba si Christian? Ang tagal naman non, ang lapit lapit na nga ng bahay niya.” Pagrereklamo ko.

Oh ayan na pala siya eh!” Sabi ni Matt sabay turo kung sa lalaking naglalakad papalapit sa amin.

Sumakay na kami ng bus at syempre naghintay na mapuno ito. Araw-araw ganito ang ginagawa namin pero ngayong araw hindi ko alam kung bakit bawat may sumasakay ay napapatingin ako sa pintuan ng bus eh dati naman wala akong pakialam sa mga ito.

Huy! Hinihintay mo siya noh?” Hala! Hinihintay ko nga ba siya?

Huh? Hindi ah! Ikaw talaga Christian kung anu-anong pinagsasabi mo.” Sagot ko sa kanya.

Eh bakit kanina ka pa tingin nang tingin doon sa may pintuan bawat may sasakay?” Sabat ni Matt.

Loko talaga itong mga ito, pagtulungan naman daw ba ako? Hay, siguro nga ay umaasa akong makakasabay namin siya ulit para makita ko siya pero hindi ko aaminin ito sa dalawang lalakeng kasama ko dahil panigurado aasarin lang ako ng mga ito.

Hay nako ewan ko sa inyo, bahala kayo dyan!

HAHAHAHA, nadali natin bro!” Nagtawanan sila sabay apir. Mga bwisit tong mga to!

Paalis na yung bus at wala pa din akong Jio na nakikita. Hay, sayang naman at hindi ko siya makikita ngayon.

Sige, una na ko ha! Kita nalang mamaya.” Paalam ko sa kanilang dalawa habang naglalakad papuntang LPU.

Sige bye! Ingat ka!

Sa wakas uwian na! Nagmadali akong pumunta sa Park n’ Ride dahil baka naghihintay na sa akin ang mga kaibigan ko.

Pagkauwi ko agad kong ginawa ang aking mga takdang aralin para wala na akong aalalahanin mamaya.

 

Hay sa wakas tapos ko na din itong mga ‘to!” Pagdidiwang ko.

Nagbukas kaagad ako ng facebook at twitter ko para maglibang at magbasa ng kung anu-ano. Agad naman akong kinausap ni Matt pagkabukas ko ng facebook

            Matt: Online si Jio, kausapin mo na!

            Ja: Ayoko nga, nahihiya ako! HAHAHAHA.

            Matt: Sige ayaw mo ha, teka lang.

Ilang sandali lang ay may biglang nag-chat sa akin at laking gulat ko nang makita kong si Jio iyon! Halos mahulog na ako sa kinauupuan ko sa kilig at kabang nararamdaman ko.

            Jio: Hi!

Jusko totoo ba ito?! Hindi ko ‘to kinakaya, kinausap niya ko! KINAUSAP NA NIYA KOOOOO!!! Kalma lang Ja, wooh. Syempre palakaibigan ako kaya nagrelpy agad ako sa kanya.

            Ja: Hello!

            Jio: Ako nga pala si Jio, yung kaibigan ni Matthew.

            Ja: Hi! Ako si Ja, short for Janae. Kaibigan din ako ni Matthew hahaha.

                 Sinabi sayo ni Matthew na kausapin ako noh? HAHAHA bwisit yon.

            Jio: Nice meeting you! J

                 Oo haha pero kakausapin naman sana kita pero nahihiya ako baka hindi mo ko pansinin.

At doon na nagsimula ang usapan namin. Kung anu-ano ang napagusapan naming noong gabing yon pero may pasok pa kami bukas kaya kailangan na naming matulog.

            Jio: Sige Ja, matutulog na ako maaga pa bukas eh.

                  Salamat sa oras ha! J

            Ja: Ako din, walang anuman. Salamat din J

            Jio: Sa susunod nalang ulit.

            Ja: Sige bye, good night!

            Jio: Bye, good night J

Sobrang kinikilig ako dahil ikaw ba naman kausapin ng crush mo haaay para akong nasa cloud 9! Nakatulog ako nang yakap yakap si Lala, yung stuff toy ko na teletubbies at may ngiti sa labi na aabot na siguro hanggang tenga ko.

Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon