Okay na okay kami hanggang sa makalipas ng dalawang buwan bigla nalang siyang nanlamig sa akin,
Minsan hindi na niya ko sineseryoso at palagi nalang kami nag-aaway.
Hindi ko alam ano na nangyayari samin.
Mukha naman kaming okay pero kung papansinin mo nang mabuti nagiba na, hindi na katulad nung dati. May panahon na sobrang sweet naming sa isa't isa minsan naman parang wala lang.
Dumating yung time na parang wala na kaming gana magchat sa isa't isa tas minsan sasabihin niya na masakit mata niya or pagod siya or masama pakiramdam niya kaya mauuna na daw siya.
Syempre inintindi ko naman.
Magkakatampuhan or magaaway nalang kami minsan.
Wala na yung dati, yung dati na okay at masaya yung lahat.
Naalala ko noong isang araw habang papunta kami sa Manila...
*Flashback*
Nakaupo kami sa bus ngayon, papuntang Maynila. Ganung pwesto pa din.
Kaso kung dati, kala mo matagal na kaming magkakilala dahil sa dami ng pinagkekwentuhan, ngayon naman, parang hindi kami magkakilala dahil hindi kami nagpapansinan.
Nagtatampo kasi ako sakaniya. Pero mukhang hindi naman niya napapansin yun.
"Ja, bababa na ako sa Kalaw ha." Sinabi niya sa akin nang hindi man lang tumitingin sa akin.
"Ah, sige." Hinayaan ko na lang, kahit malungkot ako kasi hindi na niya ako ihahatid.
"Ingat ka."
"Ikaw rin."
Buong araw kong iniisip kung ano ba nangyari sa amin. Bakt ganito na? Sa totoo lang, ilang araw ko na iniisip yon hanggang napagpasyahan ko na kakausapin ko na siya.
Uwian...
Sumakay na kami ng bus pauwi ng Pacita pero kakaunti pa lang ang tao sa loob ng bus kaya maghihintay pa kami ng ilang minuto para mapuno ito at umalis na. Napili naming umupo sa pinakadulo at umupo ako doon sa gilid niya kung saan naroon ang pilay niya. Sobrang tahimik naming dalawa, walang kumikibo kahit isa yung para bang ang lapit niyo na sa isa't isa pero parang nasa magkaibang mundo kayo. Hanggang sa nagsalita na siya at binasag na niya yung katahimikan na namumuo sa amin.
"Uy, okay ka lang ba?"
"Ah ako? Oo naman!" Sagot ko sa kanya kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako okay.
"Kanina ka pang umaga ganyan, hindi ako sanay! Alam kong may problema eh." Naiinis niyang sabi.
"Wala ito, may iniisip lang kasi ako."
"Ayan ka na naman Ja eh, nag-oover think ka na naman. Tungkol na naman ba iyan sa atin? Sa akin?"
Napatingin ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya.
"Kailangan ba talaga nating pag-usapan yan dito? Madaming tao oh, maririnig nila saka nakakahiya baka maiyak lang ako."
"Pero gusto ko nang malaman, napapraning na ko dito dahil hindi ako sanay na ganyan ka at nag-aalala na ko sayo. Wala akong pakialam sa mga 'yan pero sayo meron." Sabi niya sa akin ng may malungkot na tono.
"Pakiramdam ko kasi hindi mo na ko mahal kasi nagiging malamig na ang pakikitungo mo sa akin, pakiramdam ko may iba ka na, pakiramdam ko wala na, pakiramdam ko nagsawa ka na sa akin." Sagot ko sa kanya.
Hindi ko na napigilang umiyak kaya sumandal ako sa kanyang balikat. Naramdaman ko na lang na tinatanggal niya yung pangsupporta ng pilay niya at sabay niyakap ako ng napakahigpit.