Death POV
Ok, since your done with the test! Now let's proceed to Test 2 the Weapon Test. Dito masusubok ang galing mo sa paggamit ng armas! Now step on the barrier and let the test begin.
Umapak na ako sa barrier. Nasa isang weapon room ako. Ewan ko kung bakit nandito ako. Biglang nagsalita si HM sa isip ko.
Marami kang armas na makikita dyan pero isa lamang ang nakatakda sayo!(sabi ni HM)
Opo! (Sagot ko)
Third Person POV
Naglakad si Death at sinuri ang iba't-ibang armas na nakikita nya pero nakaagaw sa kanyang atensyon ang dalawang sandata. Ang isa ay boomerang na pa iba-iba ang anyo. Nagiging isang palakol o hindi kaya naging Bow and Arrow. Ang isa naman ay isang espada na may tinanatagong kakaibang anyo. Pero ibinalik nya ang atensyon nya sa mga armas. Hinawakan nya ang dilaw na espada pero bigla itong naglaho kaya lahat ng espada hinawakan nya pero naglaho rin ito. Sa mga palakol naman sya pero ganun parin ang nangyari. Lahat hinawakan nya na pero maliban sa dalawang armas na nakalagay sa protektadong lalagyan. Nagpipigil hininga ang lahat dahil dalawa nalang ang hindi pa nasusubukan. Lumapit si Death dun.
Wag na wag mo yang gagalawin dahil may nagmamay-ari na nyan!(HM)
Hayaan mo nalang sya!(sabi ni Haring Sky)
Death POV
Dalawa nalang ang natitira isang asul na boomerang na may diyamanteng dark blue na may tatlong pilak na bituin ang nasa gitna. Umilaw ito ng itim tila tinatawag ako. At ang isa naman ay isang espadang ginto na may pula sa gitna. Simple lang itong tignan pero alam kung may kakaiba rito. Hinawakan ko ang espada pero napaso ako mukhang hindi ako ang tagapangalaga nito. Lumapit ako sa asul na boomerang at nahagip ko ang nakasulat dun.
" Queen Anastasia's Weapon "
• The Star Queen's Weapon •
• Only the Daughter can also touch this •It's my Mom's weapon!(naiiyak kung sabi)
FLASHBACK
•DARK KINGDOM •
May isang batang babae na nakasuot ng asul na bestida at koronang itim na may bituin. Ito'y nakatingin sa isang asul na boomerang na pinapalibutan ng proteksyon.
Mommy!!! Daddy!!!(sigaw nya)
Nagmadaling tumakbo ang Reyna na nakasuot ng bestidang pilak at nay koronang bituin. At isang hari na nakasuot ng itim na kapa na may koronang itim. Tila nag-alala.
Anak, Anong meron? (Tanong ni Reyna Anastasia)
My princess, may umaway ba sayo?(tanong ni Haring Rexor)
Tumawa ang maliit na prinsesa.
Wahaha, mommy! Daddy! Ayos lang po ako*pout*
Itatanong ko po sana kung kanino po yan? Sabay turo sa asul na boomerang. Binuhat sya ni Rexor.
BINABASA MO ANG
The Elite Academy:The Long Lost Powerful Princess
FantasyPrologue: Do you believe in Magic? For her,she does not belive in magic because magic is not real! What if one day it will happen? Do you still believe on it? She is a Gangster Queen but also the Long Lost Powerful Princess! Can she accept it or not...