Chapter 13

9 1 0
                                    

Allyson Catherine Evangeline

“Ninang.” Galit na mukha ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto. May sinenyasan siya sa gilid nito at bago ko pa matingnan kung sino ang mga iyon ay may mga pumasok na lang bigla sa apartment ko.

“Ano pong nangyayari?” They started packing my things, lahat ng nahahawakan nila ay inilalagay nila sa isang box na hindi ko na namalayang may hawak pala silang gano’n.

Galit ba siya sa’kin dahil sa nangyari kagabi? Nakarating na ba sa kaniya ang nangyari sa amin ni Zach? Galit ba siya kaya ngayon ay pinapalayas na ako? Dahil sa’kin? Dahil sa’kin kaya nasaktan si Zach?

“N-Ninang.” Blangko ang ekspresyon na tumingin siya sa gawi ko. Pero kalaunan ay naging malumanay din ito at makikita ang pag-aalala sa mukha niya.

“I can’t take this. Sa ayaw at sa gusto mo, talagang lilipat ka na sa lugar na ito. God Allyson, alam mo ba kung gaano kadelikado ang lugar na tinitirahan mo ngayon? Pinaimbestigahan ko ang lugar na ito at nalaman kong may mga hindi kaaya-ayang tao ang naninirahan dito. So no, kahit anong tanggi mo, you will never win against me. Now, take all of that in the car. And you follow me.”

Wala na akong nagawa kundi sundin na lamang ang mga sinabi niya. After all, she’s my God parents, so she has the rights on my life.

“Saan po tayo pupunta, Mrs. Carter.” Mabilis kong itinikom ang bibig ko ng tumingin siya sa gawi ko, she’s holding the same expression as his son, mukhang alam ko na kung saan nagmana si Zach.

“Ninang. I told you nth times to call me Ninang.” I muttered my sorry to her, that’s when she calmed again.

“To answer your question, ililipat kita sa condo’ng binili ko.”

“Po?” Halos bumilog na ang singkit kong mga mata dahil sa pagkabigla sa narinig ko. Did…. Did she just say she bought me a condo?

“Any violent reactions?” Tinitignan niya ako na para bang wala lang sa kaniya ang sinabi nito.

“Ayaw mo ba?” 

“Manong turned the car to the left, sa bahay na tayo tutungo.” Nagtatakang tiningnan ko siya.

“Iuuwi na kita sa bahay niyo.” Biglang bumalik sa akin ang nakaraan, dahil sa sinabi ni Ninang ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

“Manong pakitigil muna sa gilid ang sasakyan.” I heard her sighed before she turned her gaze to mine.

“Allyson, I know it’s too hard for you but, please bumalik ka na. Stop running away. Stop hiding. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. So what if they don’t love you, nandito naman kami ng Ninong mo para mahalin ka ng buo.” She held my hands and caresses it gently.

“You are an Evangeline. Your life is better than this.”

With misty eyes, I looked at her.

“I’ll just take the condo.” Wala ng salita ang narinig ko matapos kong piliing tumira na lamang sa condo na binili niya. Hanggang sa makarating kami at makapasok na nga sa bagong condo na uukupahin ko.

“This will be your new home, Allyson.” Tiningnan ko ang kabuuan, it’s too spacious for me. Masyado rin itong marangya sa paningin ko.

“I’ll leave you for now, Allyson. Babalik ako mamaya with your Ninong, I just need to do something. Bye.”

Napabuntong hininga na lamang ako. Here I am again, alone. Ilang minuto na ata akong nakatayo lamang sa labas ng pinto habang tinitingnan ang bagong titirhan ko mula sa labas.

“Allyson?” I was shocked when Owen appeared to nowhere, muntik na din akong mapatalon sa gulat.

“What are you doing here?” But instead of answering ay nagtatakang tiningnan ko ang kinatatayuan niya. I think he’ll be my neighbor starting today.

Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon