Chapter 4

25 1 0
                                    

Allyson Catherine Evangeline

"What should I do?"

Lakad-takbo na ang ginagawa ko para lang makahabol ako sa unang subject ko. Malapit na ang time, at sobrang late na ako, isama mo pa na walang dumadaan na sasakyan ngayon.

"Argh! Hindi na talaga ako mago-over time sa trabaho."

Patawid na sana ako ng may humintong sasakyan sa tapat ko. I was about to ignore it nang bumukas ang bintana at sumilip ang isang lalaki.

"Allyson. Papasok ka na?"

Nag-aalangan akong sumagot ng makita ko kung sino ito. I was about to say something nang buksan niya ang pinto at lumabas.

"Come on, I'll give you a ride." He motion his hand, signalling for me to hop in.

"Mr. Carter, okay lang po. Malapit na rin naman po ako." Mariin akong napa-iling. Winagayway ko pa ang kamay ko sa harap niya. Pero tinawanan niya lang ako saka hinawakan ang kamay kong nakataas saka ako tinulak kaya wala na akong nagawa kundi pumasok na lang.

"At malapit ka na ring ma-late." Umupo siya sa tabi ko, saka sinabi sa driver na umalis na kami.

"And you should stop calling me Mr. Carter. You know we have better relationship than that." I smiled awkwardly with what he said. Pinagsiklop ko na lamang ang mga palad sa hita ko saka itinuon ang atensyon sa bintana. I saw on my reflection na nagbabasa na siya ng papel.

Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng biglang magpreno ang driver

"What the--? Mang Ben." Dahil sa biglaang paghinto ay nauntog ako sa likod ng upuan ng driver, mabuti na lang ay malambot kaya hindi ako nasaktan.

"Are you okay?" Hinila ako ni Mr. Carter palapit sa kaniya saka tiningnan ang noo ko.

"O-okay lang po ako."

Marahas na tumingin siya kay Mang Ben. Ngayon kitang kita ko kung paano dumilim ang mukha niya. Gone the jolly aura he have.

"S-sorry Sir, may biglang lumitaw kasi na motor sa harapan kaya nagulat ako."

"The hell with that jerk. Nakita mo ba ang plate number? Take it down. Hindi ko papalampasin ang ginawa no'n." He's murmuring something while he's fishing his phone on his pocket. Magda-dial na sana siya ng pigilan siya ni Mang Ben.

"Nakuha ko po yung plaka, kaya lang." I saw him rubing his nape, at parang nahihirapang magsalita.

"What? What is it? Tell me the plate number immediately."

"VDE135 po yung nakita ko."

Binaling ko ang tingin ko kay Mr. Carter. He's face is dark habang nagtitipa sa cellphone nito. But then, he stops, at parang hindi makapaniwalang tumingin kay Mang Ben.

"What?" He suddenly shout, at muntik na akong mapatalon sa gulat.

"Opo, Sir. Mukhang si Sir Aaron po ang nan-trip sa atin." This time, ako naman ang napakunot-noo dahil wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Who's Aaron?

"That brat. What is he playing again?" Marahas siyang napasandal sa upuan, saka hinilot ang sentido niya. Pasimple kong tiningnan ang oras sa relo ko. And shoot. I only have 10 minutes before my first subject. Mali atang naki-sabay pa ako sa kanila. Now, I'm stuck in here.

"Go on, Mang Ben." I saw him dialled something, saka itinapat ang cellphone sa tenga nito.

"Hello? What is this, Aaron? Ano na namang kinakagalit mo sa'king bata ka ha? Gusto mo na ba akong mama--. Hello? Aaron?" He hissed saka masamang tiningnan ang cellphone nito.

Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon