Chapter 7

10 1 0
                                    

Allyson Catherine Evangeline


"Evangeline, Lopez, Rivera, Fortes, Garcia, Madrid, Enriquez, Perez, Ramos, Sanchez, Aquino, Gomez. All of you, follow me." Napatigil ako sa pagsusulat nang marinig ang pangalan kong in-announce ng Principal. Nagtataka man ay kinuha ko na rin ang bag ko at nakisabay sa paglabas.

Dahil wala naman akong ka-close sa kanila ay nagpahuli na lang ako. Nasa 3rd floor ang room namin, and all Grade 12 students occupied the 3rd and 4th floor of the Senior Building. Kaya nagtaka ako kung bakit imbes na pababa kami, ay paakyat na hagdan ang tinatahak namin.

Nagsimulang kumabog ang puso ko ng makita ko ang Principal namin na huminto sa last room. Kung saan nandoon ang worst section, ang kinabibilangan nung lalaking kina-iinisan ko, at the same time kinakatakutan ko.

The principal motioned us to follow her after she open the door. Kaya wala na akong nagawa kundi sumunod na lang.

We were welcomed by flying papers, messy chairs, and noisy people. Parang dinaanan ng bagyo. Nagsi-ayos lang sila nang makita nilang pumasok kami.

"Settled everyone, may announcement ako." She walks upfront pagkatapos ay tiningnan kami at sinabing luminya sa harapan. Nanatili akong nasa dulo habang mahigpit na yinakap ang libro ko.

"Okay. These twelve students here in front will be your tutor until the upcoming quarterly exam. Since they're 12, and you are twelve in equal. Tig- isang tutor ang mapupunta sa inyo. Please cooperate with each other. Dito sila mage-stay for the whole second quarter. Tulungan dapat ito. Kapag nag-excel sa lahat ng subject ang kung sino man sa inyo, you will transfer to Section A." Marami ang nagdiwang dahil sa sinabi ng Principal. But then she slam the desk, kaya napatigil sila sa pag-iingay.

"Pero... Kapag isa sa inyo hindi tumaas ang grado this quarterly, ang tutor ninyo ang mage-stay dito kasama niyo." Literal na lumaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Ms Principal. What?

"So, it's a win-win situation for the both of you. Kaya kailangan ninyong mag-tulungan sa isa't-isa. And guys...." She shift her attention to us. She gave us a warm smile na para bang ine-encourage niya kami.

"Don't worry my dear students, it will serve as your performance task. If you succeed or not, you still have automatically 100% on your PT. So, I wish you good luck." Isa-isa niya kaming tinignan at binigyan ng malawak na ngiti. Nang dumako ang paningin niya sa akin ay mas lumawak pa ang ngiti nito. I smiled awkwardly at her.

After she bid her goodbye ay bumaba na siya sa platform. And when she reach my direction, she pat me and whispers good luck on my ear.

Before she open the door, napatigil ito saka ulit tumingin sa amin.

"I forgot, students from A section. Pumili na kayo ng itu-tutor niyo. I'll leave after you choose." Sumandal siya sa pinto at pinagkrus pa ang mga braso sa dibdib nito.

I scanned the whole room, pero sinadya kong huwag nang tumingin sa likuran. Napadako ang tingin ko sa gilid ng first row. I squinted at inaalala kung saan ko ba nakita ang lalaking 'yon. And I remembered, siya ang kasama ko dati sa Math Wizard competition. What is he doing here? Matalino naman siya ah.

Isa-isa nang nagsihanap ang mga classmate ko ng tuturuan nila. Kaya naglakad ako sa direksyon niya. I stand beside him, mukhang hindi niya ako napapansin dahil tutok siya sa pagbabasa.

"Hi!" And when I greet him saka lamang siya napaangat ng tingin. I smiled wider ng makompirma kong siya nga talaga yung partner ko noon.

"Remember me?" Mukhang nakikilala pa niya ako dahil lumiwanag ang mukha niya ng tumingin siya sa'kin.

Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon