Allyson Catherine Evangeline
“Allyson.” I stop from my track when I heard my name calling by someone. I looked around and saw Liezel running on my direction.
“Ang bilis mo namang maglakad.” Tumigil siya sa harap ko saka bahagyang yumuko at hinawakan ang tuhod niya, mabilis din ang paghinga nito dahil sa pagtakbo nito kanina.
“Okay ka lang?” She nodded quickly saka tumayo na ng tuwid matapos makapagpahinga.
“Bakit kaba kasi tumatakbo?” Dahil sa sinabi ko’y mabilis niyang tinanggal ang bag niya saka may kinuha sa loob.
“Birthday ko bukas, punta ka sa party ko ha? Aasahan kita.” Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, inabot niya sa akin ang envelope na naglalaman ng invitation.
“Bakit ngayon mo lang sinabi?”
“Hindi naman kasi kita laging natyetyempuhan eh, lagi ka na lang nawawala sa klase pag break na. Saka nakakatakot kayang lumapit sa’yo sa classroom.” Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Aware ako na talagang nawawala ako kapag break namin dahil pumupunta ako sa music club. But I’m not aware to the fact na nakakatakot ako.
“Hindi ako sa’yo natatakot, kundi sa katabi mo. Nag-away ba kayo ni Zach? Mukha kasing hindi kayo nagpapansinan eh.” Nginitian ko na lamang siya ng tipid bilang sagot sa tanong niya.
“Pero teka, hindi ka maglalunch? Papuntang college department ang tinatahak mo.”
“Pupuntahan ko si Sky, may gagawin kasi kami.” Bigla siyang sumimangot sa sinabi ko pero kalaunan ay ngumiti din.
“Ganu’n ba? Sige na nga, sa susunod lunch din tayo together ha?” I nod at her saka humakbang patalikod. She wave at me and I did the same. Pagkatapos naming magpa-alam sa isa’t isa ay tumalikod na ako. But when I turned around, I bumped into someone. Naputol ang sana’y paghingi ko ng tawad ng makita kung sino ang nakabangga ko. Pero ng matauhan ay humingi rin ako ng tawad.
“Allyson.” Masiglang sigaw ni Red sa pangalan ko saka ito lumapit sa akin at akmang yayakapin ako ng matapilok ito. Tutulungan ko sana siya pero mabilis na itong bumangon saka masama ang tinging ipinukol nito kay Zach.
“Zach naman eh, hindi ko naman sa’yo aagawin ang alaga mo, masyado kang possessive parang yakap lang eh.” Padabog na naglakad ito palayo sa akin at pumuwesto sa likod ng kambal at nagtago.
“Sabay ka na sa’min mag-lunch Ally.” Alanganin na tinignan ko si Owen saka nagkamot ng batok.
“May pupuntahan pa kasi ako eh.” At dahil sa sinabi ko’y napatingin ako sa oras, late na ako hindi ko man lang namalayan.
“Kailangan ko ng umalis, sorry ulit sa pagbangga ko sa’yo.” Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at dali-dali na akong tumakbo palayo. Hindi pa man ako nakakalayo ay sumigaw si Red at tinawag ako. Napangiti ako ng makitang kumaway siya sa akin, kinawayan ko din siya at tatalikod na sana ng mahagip ko siya sa paningin ko. Biglang naglaho ang ngiti ko dahil sa ekspresyong ibinibigay niya sa akin. Its way different than his usual glare, he’s like giving me a warning that I should not do anything that can trigger his furiousness.“You’re late.” I uttered my sorry saka dumiretso na sa loob. I spent my 2 hour break in the music room. Saka lang ako umalis ng tumunog ang bell ng high school department kaya kahit ayaw ko ay labag sa loob na umalis ako at pumasok na.
“Allyson.” Cloud welcome me when I entered the room, nagtatakang inilibot ko ang paningin sa buong silid.
“Wala na tayong klase, may meeting ngayon ang mga teachers.” Nagtatakang nilingon ko siya ng mapansing sumusunod siya sa’kin.
BINABASA MO ANG
Hidden Heiress
Teen FictionAllyson Catherine Evangeline knows all too well that she has a boring life, a typical high school student at day, and a waitress at the cafe at night. That is her only routine since her parents abandoned her at the very young age. With her past expe...