CUPID.
Almost two hours na akong naka-upo. Pinili ko ang table na nasa pinakatagong parte ng cafe kung saan pwede akong magmasid at pumana ng ipapares ko ng di namamalayan ng mga taong lupa.
Being a cupid is a tough job. Bukod sa pagpapares ay kailangan mo rin tiisin ang pananakit ng pang-upo mo sa kakaantay ng ideal partners. And I think my butt is getting numb already.
Hays.
Konting tiis nalang Cupid. Mabilis lang naman ang oras eh.. 9 hours to go. Mabilis lang naman yun... I think?
Three hours has passed and still wala parin akong napapana. Kasi naman ang bitter ng mga taong lupa ngayon.
I was drinking the juice that I have ordered when suddenly a gorgeous woman entered the cafe. I was staring at her nang bigla itong humarap sa aking direksyon.
Is she crying?
Bagsak ang balikat na napa-upo ang dalaga sa kaharap ng table ko. Agad niyang inilabas ang kanyang earphone at isinaksak sa magkabilang tenga niya.
Ilang segundo lang ang lumipas at umiyak na naman ito. At sa pagkakataong ito humagulgul na ito sa pag-iyak. At ang weird sa kanya ay ang walang tigil na pagsubo niya ng pagkain sa bibig habang umiiyak siya. Multi-tasking, yeah?
Lapitan ko kaya siya?
At ano naman sasabihin ko?
Hoy, babaeng taong lupa... wag kang umiyak para kang bata.
O di kaya...
Shh.. wag kang maingay. Mag-concentrate ka nalang sa pagkain baka mabilaukan ka.
Nice one Cupid... Nice one.
Hays, ano ba naman kasi pakialam ko sa babae na yan?! Mas mabuti pang manahimik nalang ako dito at pag-igihan ang paghahanap ng mapapares ko.
Ibinaling ko na uli ang aking atensyon sa aking ginagawa at hindi na pinakialaman ang babaeng umiiyak.
Sa nakalipas na apat na oras ay may tatlo na rin akong napagpares... Nice number. Three.
1 for I
2 for Love
and 3 for You"I Love You" pabulong kong wika. "Ano kayang pakiramdam ng magmahal?" tanong ko sa kawalan.
QUENNIE.
Walang hiya siya! Anak ng teteng naman oh! Bat ngayon pa?! Kung kailan Valentine's na Valentine's Day pa! Pashneya siya! Hayop talaga siya!!
Magsama silang dalawa, Buwiset!
Patuloy lang ako sa paglalakad nang hindi sigurado kung saan ako patungo, hanggang sa makita ko ang isang cafe. Nakakapagod na rin. Napagpasyahan kong pumasok at pakalmahin ang sarili ko sa pamamagitan ng paglamon.
Food is life parin, ulol!
Kain lang ako ng kain habang nakikinig ng music. Napagpasyahan kong halukayin ang cellphone ko hanggang sa napunta ako sa gallery.
I clicked the picture kung saan nakangiti ako habang yakap ako ng boyfriend ko.
Boyfriend ko?!
Bullshit!! Naging boyfriend ko ba talaga siya?! Ang gulo!! How can i claim him as my boyfriend kung sa una't sapol pa lang ay may girlfriend na siya bago ako.
"Kabit ka lang!" sigaw ng utak ko.
Agad ko na pinower off ang aking phone ng makita kong tumatawag na ang aking magaling na jowa.
Tss! Ngayon at nagising na ako sa katotohanan. Ang sakit pala. Akala ko may 'siya at ako lang' yun pala hanggang akala ko lang yun.
Marami nang namatay sa maling akala.
Nice one LOVE! NICE ONE!
Napahagulgul ako sa sakit na aking nararamdaman. Ang sakit sobra.
Sobra-sobra ang sakit na nararamdaman ko at hindi ko alam ang gagawin ko para lang mawala tong sakit na toh.
I'm helpless. It hurts.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa marinig ko ang boses ng isang lalake.
"I Love You" pabulong na wika ng lalakeng naka-upo sa harap ng table ko. "Ano kayang pakiramdam ng magmahal?" tanong niya sa sarili.
Tahimik akong natawa. Another stupid ey?
"Wag mo nang itanong." sagot ko habang naka tingin sa kape ko at mapait na napangiti at saka tumingin sa kanya. "At mas lalong wag mo nang alamin." kase masasaktan ka lang.
"Why?" he asked habang naka kunot ang noo.
Tinitigan ko siya ng ilang segundo. Sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay tinanong ko siya pabalik. "Are you stupid?" tanong ko sa kanya na naging dahilan ng mas pagkunot ng noo niya at pagtingin sakin ng masama.
Di ko na inantay ang sagot niya at walang prenong nagsalita. "Well if hindi ka stupido, edi simple! Wag mo nang subukan o alamin kasi ang LOVE para lang yan sa mga tanga for they chosen to be stupidly in love with the person who can't even love them back." I arranged my things at saka inilagay na ito sa aking back pack at umalis.
Hayss.... My Love Life sucks!!
Fuck you Love!!
CUPID.
"Cupid!"
"Earth to Cupid?"
"Hoy, Cupid!"
Napakurap mata ko ng mapansin ko na naka tunganga pala ako. "Yeah?" I asked my friend who is glaring at me right now dahil sa hindi ko agad pag-pansin sa kanya.
He just rolled his eyes and look at me. Kung tumingin para bang may planong pasukin ang kalamnan ko dahil sa sobrang pagtitig nito sa akin and it's making me uncomfortable.
Nanliliit ang mata nito na tumitig sa akin.
"What?" I asked.
"Anong ginawa mo sa Cafe? Bat simula nung dumating ka eh... nandito nga ang katawan mo pero yang utak mo!" sabay turo sa kokote ko. "ay naiwan dun sa cafe."
Pa-inosente akong napatingin sa kanya sabay tanong. "Ano?"
"Spill it Cupid. I know your hiding something. Ano yun?" my friend asked and then a smirk formed on his lips. "Or should I say sino?"
"Wala nga!" pagtanggi ko. Oo nga at kaibigan ko ito pero di ko parin ito ipagsasabi at baka maparusahan ako ng aming kataas-taasan dahil sa walang prenong bibig ng kaibigan kong ito. I can't take a risk. At isa pa di naman ito mahalaga sa akin. Lumipas na iyon at ika nga nila. Past is past, never to be discussed.
Di parin natinag ang kaibigan ko at pinanliliitan parin ako nito ng mata. Matapos ang ilang segundo ay napagod rin ito at tumigil rin.
At last! Makakapagpahinga na rin ako.
"Cupid!" tawag niya sakin habang naka hawak sa door knob ng pinto para lumabas.
"Hmmm?" I asked while still shutting my eyes.
"Future is future, can be discuss." at pagkatapos nun ay umalis na ito.
BINABASA MO ANG
When Cupid Shoots His Own Heart
Teen Fiction[COMPLETED] What if a Cupid falls inlove with a human being? Pwede bang maging rason ang love para magstay sila sa isa't isa? O sadjang masaklap ang tadhana para kay Cupid. "bc by: @Seoulwinks" ❤