~ CUPID POV ~ISANG taon na rin ang lumipas simula nang maghiwalay kami ni Queenie. I wonder how is she doing right now.
Nasa café ako at tulad ng dating gawi naka-pwesto ako sa tagong lugar.
Abala ako sa paghahanap ng mga pares nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang babaeng noon ay mahal ako.
Abala siya sa telepono niya habang naglalakad. At dahil sa wala ang atensyon niya sa tinatahak niyang daan ay nabunggo niya ang isang lalakeng may hawak na milkshake.
Natalsikan siya ng milkshake habang ang lalake ay basa ang may bandang tiyanan nito dahil sa pagkabuhos ng milkshake.
Natatarantang napakuha ng panyo si Queenie at pinunasan ang damit ng lalakeng nabunggo.
Na-estatwa ang binata at napapantastikuhang napatitig sa gawi ni Queenie.
Tumaas ang tingin ni Queenie at naiilang na napangiti.
Ngumiti pabalik ang binata at hinawakan ang kamay ni Queenie.
Shoot them with your arrow, Cupid.Inilabas ko ang pana ko at bago ko binitawan ang palaso sinabi ko ang katagang panghuli ko nang masasabi sa kanya ng palihim.
"I love you." at tuluyan nang binitawan ang pagkakakapit ko sa palaso. Kasabay ng pagbaon nito sa puso ng babaeng tinitibok ng puso ko ay ang pagkapilipit ng puso kong unti-unting namamatay dahil sa sakit na nararamdaman ko.
This is the right thing to do Cupid.
And that's what my job is, to make two person fall for each other. I shoot for Love. I'm the reason why love exist.
I'm Cupid and I love her. Even though she'll never remember me again.
A/N: At natapos rin ang storya ni Cupid at ni Queenie. Ano masakit ba? Kumikirot parin ba? Oh well, keri lang yan 😉 panandalian lang yan tulad ng feelings niya para sayo, panandalian.
Charottt!!! At dahil na tapos mo na tong basahin. I'm super happy ❤ thank you sa pagbabasa ❤ super na-appreciate ko.
Try checking out my newly published story entitled My Unwanted Girlfriend. Promise magugustuhan mo yun.😉 kaya.. basa na ❤
BINABASA MO ANG
When Cupid Shoots His Own Heart
Novela Juvenil[COMPLETED] What if a Cupid falls inlove with a human being? Pwede bang maging rason ang love para magstay sila sa isa't isa? O sadjang masaklap ang tadhana para kay Cupid. "bc by: @Seoulwinks" ❤